^

PSN Opinyon

Truck ban

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

EWAN ko kung binabawian ni Metro Manila Development Authority chairman Francis Tolentino ang administrasyon ni Manila Mayor Joseph Estrada hinggil sa isyu ng truck ban. Kasi nga, kamakailan lamang ay pinagbawal ang paglabordahe ng mga truck sa Roxas Boulevard upang magamit ng mga pribadong motorista. Okey na sana rito ang ating mga kababayan na naghahabol sa oras dahil ang Roxas Boulevard ay pangunahing daan upang marating ang pinakamurang pamilihan, ang Divisoria nga. Ang masakit nito nagkahitut-hitot  naman ang traffic sa Osmeña highway dahil under construction nga ito ng DMCI sa pagtatayo ng mga haligi ng Skyway. Dahil diyan naapektuhan ang trapiko sa Quirino Avenue Extention (Plaza Dilao), Nagtahan/A. Lacson, United Nations Avenue, Finance-Burgos Streets  kaya tukod ang trapik dito. Lalong nagkahitot-hitot ang trapik sa Bonifacio Drive at ang kahabaan ng Road-10 na nagpapasikip ng trapiko sa C-3 na nakaaapekto sa Navotas at Caloocan cities.

At dahil diyan tumaas ang blood pressure ni Isko Moreno sa mga desisyon ni Tolentino. At nito ngang nagdaan araw lamang muli na namang umarangkada si Tolentino nang magtilamsikan ang laway nito na buksan sa mga trucking firm ang Roxas Boulevard. Nagsalubong ang kilay sa galit itong si Boy Sita/ Boy Hatak Vice Mayor Isko Moreno dahil hindi na naman sila kinunsulta ni Tolentino. May katwiran dito si Moreno na tutulan ang balakin ni Tolentino na muling padaanin ang mga truck sa Roxas Boulevard, dahil umiindayog na ang negosyo diyan sa may Baywalk. Milyun-milyong investment na ang itinaya ng investors diyan sa Baywalk na magbibigay na malaking taxes sa kaban ng Maynila. At oras na umarangkada na naman diyan ang mga truck sa Roxas Boulevard malamang na matatakot ang mga Torista na mahilig tumikim ng alak at masasarap na lutong Pinoy, siyempre malaking panganib din sa mga kabataan na nakiki-ride-on sa mini carnaval.

 

Lumalabas na gumigimik lamang si Tolenino upang maipakita niya kay Erap at Moreno na ang ugat ng port congestion ay pagpapatupad ng truck ban noon. Ito na kaya ang magiging pangunahing dahilan upang magmatigas sina Erap at Moreno sa kanilang paninindigan na ipagbawal na ang truck sa Maynila? At habang nagmumuni-muni si Tolentino sa susunod niyang balakin sa Maynila may nais akong iparating sa kanya na dapat niyang aksyunan sa pinakamadaling panahon. Chairman Tolentino Sir, pakiburiki itong construction ng C-5 Extension sa Parañaque City? Kasi nga, ayon sa sumbong natigil na umano ang construction diyan sa Bgy. Moonwalk palabas ng Merville o West Service Road ng South Expressway. Ang masakit pinagkikitaan ito ng mga security guard ang mga motorista na dumaraan sa kanilang teritoryo palabas ng Multinational Villages. Pakiburiki lamang itong construction diyan dahil malaking alwan sa motorista ang C-5 Extention na short cut route ng mga taga-Las Piñas at Parañaque cities palabas ng South Expressway. Alamin mo na rin kung saan napunta ang budget ng construction ng C-5? Abangan!

BAYWALK

BOY SITA

MAYNILA

MORENO

ROXAS BOULEVARD

SOUTH EXPRESSWAY

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with