^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mabilis naisalang sa pugutan

Pilipino Star Ngayon

MARAMI ang nagulat sa balitang napugutan na ang isang overseas contract worker sa Riyadh, Saudi Arabia. Maski ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang tanggapan ni Vice President Jejomar Binay ay nagulat din nang mabalitaang pinugutan na noong Biyernes ang OFW na si Carlito Lana, 37. Si Binay ay presidential adviser on overseas Filipino workers. Sabi ng tagapagsalita ng DFA, hindi nila inaasahan na ganoon kabilis ang paggagawad ng parusa kay Lana. Sabi naman ni Binay, ipinagbigay alam lamang sa kanyang tanggapan ang nangyari kay Lana, isang araw makaraan itong pugutan.

Ayon sa report, noong 9:30 ng umaga ng Biyernes, dinala sa isang hindi sinabing lugar ang Pinoy na si Lana at pinugutan ng ulo dahil sa pagpatay sa amo nitong si Nasser al-Gahtani, 65-an-yos noong 2011. Ayon sa report, binaril ni Lana ang amo at pagkatapos ay sinagasaan pa ito. Si Lana na isang Muslim convert ay pinipilit umano ni Al-Gahtani na pagdasalin dahilan para barilin ang amo at saka sinagasaan. Isa umanong family driver si Lana. Inamin umano ni Lana ang pagkakasala makaraang madakip ng mga pulis.

Hindi pumayag ang pamilya ng biktima na patawarin (tanazul) si Lana sa pamamagitan nang pagbibigay ng blood money. Hanggang sa huling sandali umano ay nanindigan ang pamilya na huwag patawarin si Lana. Iyon ang naging daan para ibaba ang hatol sa OFW.

Nakagugulat ang madaling paghatol at paggawad ng parusa kay Lana. Bakit napakabilis ng pagpugot? Hindi kaya napabayaan na naman ng gobyerno si Lana? Nabigyan kaya siya ng abogado at naipagtanggol siya? Nakapagdududa ang mabilis na pag-execute kay Lana.

Ginawa kaya ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang lahat nang paraan para mabigyan ng patas na trial si Lana. O hinayaan na lamang ang kawawang OFW?

Duda rin ang Migrante International na ginawa ng gobyerno ang lahat para matulungan si Lana. Ayon pa sa Migrante, mula 2010, marami nang na-execute na OFW sa Saudi Arabia na hindi nabigyan ng kaukulang tulong particular ang abogado. Sabi naman ng Malacañang, hindi raw nakaligtaan ng pamahalaan si Lana. Tinulungan daw ito.

Maaalaala ang nangyari kay Flor Contemplacion na binitay sa Singapore noon. Hindi rin ito nabigyan ng agarang tulong. Hindi pa rin ba natuto?

 

AYON

BIYERNES

CARLITO LANA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FLOR CONTEMPLACION

LANA

MIGRANTE INTERNATIONAL

SABI

SAUDI ARABIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with