^

PSN Opinyon

Si Lucio Tan at ang Koreana

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

SI Philippine Airlines Chairman Lucio Tan o ‘El Kapitan’ ay ilang beses na ring napagawi rito sa Davao City at parating low key ang kanyang pagdalaw dito. Walang wang-wang at kung anumang seremonyas maging sa mga empleyado ng PAL dito. Ni hindi nga siya gumagamit ng VIP lounge tuwing naghihintay siya ng flight at andun lang siya sa opisina ng manager ng PAL dito sa airport.

Nitong huli nga raw ay dumating din si El Kapitan at ang balita ay namanhikan daw para sa anak niya na ang kasintahan ay taga-Davao nga raw.

Ganun ka low key ang may-ari ng PAL na parating nakakamisa-chino nga raw na puti tuwing nakikita siya rito sa Davao City.

Naging paksa ko rito si Lucio Tan dahil nga sa inasal ni Heather Cho, ang anak ng Korean Air Lines boss na si Cho Yang-Ho, na nagwala sa isang ‘nut rage’  incident dahil nga raw ang macadamia nuts na si-nerve sa kanya ay nakalagay pa sa plastic bag at hindi sa isang bowl na nararapat para sa mga pasahero sa first class section noong isang linggo.

Talagang pinabalik ni Heather ang Korean Air flight niya sa JFK Airport sa New York upang pababain at patalsikin sa trabaho ang purser ng nasabing flight.

Naging viral ang insidente na tinawag na ngang ‘nut rage’ na kung saan ngayon ay humingi ng patawad si Heather dahil sa kanyang inasal.

Nag-apologize din ang tatay ni Heather at ayon sumunod ang announcement na inalisan siya ng kung anong responsibilidad sa Korean Air Lines at sa mga affiliate companies nito.

Hindi ko maiwasang ikumpara na rin ang inasal ni Heather at kung paano si Lucio Tan maging isang pasahero sa kanyang sariling airline.

Nanalo ako noong 2006 o 2007 ba ‘yon ng isang business class PAL ticket to Beijing, China sa isang Christmas party dito sa Davao City. At ginamit ko iyon noong birthday ko na nagkataon namang ‘Spring Festival’ at Chinese New Year.

At nakasabay ko nga si El Kapitan sa nasabing flight. Kahelera ko siya sa front row ng business class section. Simple lang siya at wala naman siyang demands or kung anong  hinihingi sa flight attendants.

Naaliw ako sa kanya dahil nga Philippine STAR lang ang binasa niyang pahayagan sa buong halos apat na oras na flight galing Manila hanggang Beijing. At sobrang dalawampung beses niyang binuksan at inulit-ulit na binasa ang Showbiz section ng STAR sa nasabing flight.

Tinatanong si El Kapitan kung may gusto ba siyang pagkain o inumin sinabi niyang wala at kinain rin niya kung ano ang sinilbi sa ibang pasahero sa business class section.

Nang bumaba kami sinundo  si El Kapitan ng isang ground crew  lang at lumabas sila agad ng airport.

At nang pabalik ng Pilipinas matapos ang limang araw sa Beijing, kasabay ko na naman si El Kapitan, At sa panahong ito nakaupo ako sa likod niya.

Bago pa nga ang boarding nakita ko si El Kapitan na namili ng chocolates sa Duty Free shop ng Beijing at bitbit niya ang pinamili niya na nilagay naman niya sa loob ng kanyang attache case nang dumating na sa loob ng eroplano. Napansin ko rin ang jade bracelet na suot-suot niya siguradong binigay sa kanya dahil nga Chinese New Year.

At gaya noong papunta ng Beijing nagbabasa pa rin si El Kapitan ng Philippine STAR sa flight. Ngunit may kaiba na siyang ginawa sa panahong iyon. Napansin ko na may parang isang one-fourth sheet of paper siya na sinulatan niya ng mga helera ng numero at ilang beses niya itong pababa-pataas na tinuturo.

Dumating kami ng Manila na walang keme o kahit anong demand man lang sa pagkain o sa inumin si El Kapitan. Nakakaaliw nga siyang tingnan na tinuturo ang mga numero at nagbabasa ng Philippine STAR.

Kaya nung nabasa  ko nga ang nangyari kay Heather Cho ng Korean Air Lines naalala ko tuloy si Lucio Tan at kung ano ang tamang asal.

BEIJING

CHINESE NEW YEAR

DAVAO CITY

EL KAPITAN

KAPITAN

KOREAN AIR LINES

LUCIO TAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with