Incoming WB Adonis Baluyot ng Laong-Laan Lodge 185
LAST Saturday afternoon si Senior Warden Brother Adonis Baluyot ang napili ng mga brethren ng Laong-Laan Lodge 185, para maging 50th Worshipful Master ng Loya kapalit ni outgoing WB Blas Tuliao matapos ang isang erection este mali makapigil hiningang election pala kaya naman tuwang - tuwa sa galak ang una nang manalo ito.
Sabi nga, Ako ang nagwagi....Hehehe!
Ang iba pang mga bagong opisyal na nanalo sa batuhan este mali botohan pala ngayong Masonic year 2015-2016 ay sina Junior Warden Bro. Rey Raagas, uupo bilang Senior Warden, Senior Deacon Bro. Macky Santos, uupo bilang Junior Warden, Bro. Jeff Dublado, ang nanalong Secretary kapalit ni Bro. Secretary Ernie Ligon, Bro. Peter Lim bilang treasurer at Bro. Rey Dumlao (PM), auditor.
Sinabi ni incoming WB Baluyot ang iba pang opisyal ay itatalaga na lamang niya sa susunod na state meeting para makumpleto ang line-up nang kanyang mga opisyal.
‘Kung ganoon si Bro. Adonis ang Golden Boy ng Laong-Laan 185!’ sabi ng kuwagong kabado.
‘Kuyang, oo intindihin mo iyong ikinukuento ng mga asset ng mga kuwago sa itaas.’
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa February 7, 2015, ang installation ni incoming Worshipful Master Adonis Baluyot.
Abangan.
Demonyitong taxi driver nasungkit na
SABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kumidnap, gumahasa at nagnakaw sa isang 19 years old student na pasahero nang taxing sinakyan nito ay dapat nang i-biahe para magkita sila at magkausap bago magpasko ni Satanas sa impierno matapos itong masungkit ng pulisya sa lunggang tinitirikan niyan dyan sa Maharlika Village, Taguig City.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Miguel Maranan, taxi driver ay nakuha ng pulisya sa mismong haybol nito pero ang kasama niyang isang John Doe ay still at large.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, positibong ikinanta ng biktimang bebot si ‘maniac’ este mali Maranan pala na gumawa sa kanyang na kababuyan matapos itong dalhin sa motel at 10 days itinago todits.
Hindi na natin masiadong ikukuento ang nangyari sa biktima dahil masiadong masakit ito sa pobreng alindahaw.
“Ang importante nahuli ito ng pulisya sa loob ng kanyang tinitirikan lungga.’
Abangan.
Si P. Noy lang pala ang hinihintay magsalita
MABILIS pa sa alas kuatro ang ikinilos ng mga local government sa iba’t-ibang parte ng Philippines my Philippines na dadaanan o tatamaan ng bagyong Ruby kaya naman ang mga taga-gobierno ay hindi naging patulog-tulog o pakaang-kaang na manibasib ang bagyo last Saturday.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bago pa dumating si bagyong Ruby nagsalita na si P. Noy sa isang pulong balitaan na ipinatawag nito habang nasa harapan siya ng mga TV camera, radyo at print media para iparating sa kanyang mga alipores na ang magpabaya sa bagyong Ruby ay kakalusin at isasaing? Hehehe!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya naman wala pa ang bagyong Ruby nagkakandarapa na ang mga opisyal sa mga probinsiya na tatamaan nito sa pagbibigay babala sa kanilang mga constituent.
“Ano ang nangyari?’ tanong ng kuwagong tinakot.
Sagot - makinig, manood at magbasa kayo ng balita kung nakabuti ba ang ‘salita’ ni P. Noy sa kanyang mga opisyal ng gobierno.
“Ang madlang pinoy ay nagpapalakpakan sa maagap na paglutang ni P. Noy kahit wala pa ang bagyong Ruby.’ sabi ng kuwagong SPO -10 sa Crame.
Sabi nga, palakpakan naman dyan!
Abangan.
- Latest