^

PSN Opinyon

Palakasan uso sa Comelec

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ISANG malalang impormasyon ang lumantad sa Come­lec bidding nu’ng Dec. 4 para sa P7-bilyong voting machines. Ito ay batay sa dokumento mismo na sinumite ng Smartmatic-Total Information Management Corp. (TIM). Hangad ng partnership ng Venezuelan na Smartmatic at Pilipino na TIM mag-supply ng 43,000 bagong precinct count optical scanners at i-repair ang 86,000 lumang PCOS para sa 2016 elections. Pero ang SEC certificate of registration nila ay para lang lumahok sa automated elections ng 2010. Ito’y nang manalo sila ng P7.2-bilyong lease ng 74,000 PCOS.

Ito ang implikasyon: nu’ng 2013 elections, wala na palang awtoridad ang Smartmatic-TIM na ibenta sa dagdag na halagang P1.8 bilyon ang naunang 74,000 units at damihan pa ito nang 12,000 units. At lalong wala na itong karapatan sumali sa bidding para sa 2016 elections.

Pero ito ang kataka-taka: miski malinaw sa papeles mismo ng Smartmatic-TIM na lipas na ang awtoridad ng partnership, pumapayag pa rin ang Comelec bids and awards committee na sumali sila sa bidding. Bakit kaya sobra ang lakas ng Smartmatic-TIM sa Comelec?

Ito pa ang pruweba ng “lakas” nila sa Comelec. Kamakailan nirekomenda ng Comelec legal division ng mag-bidding imbis na closed-door negotiations para sa repair ng 86,000 lumang PCOS. Pero binunyag ni chairman Sixto Brillantes na kahit na gan’un ang pananaw ng mga abogado, mas nais niya ang negosasyon imbis na public bidding. Huh?

Sa sobrang lakas ng Smartmatic-TIM, nilalabag ng Comelec ang batas para paboran sila. Dealer lang, hindi software developer na hinihingi ng Automated Election Act, ang Smartmatic. Ganunpaman, kinontrata sila nu’ng 2010 at 2013.

Binili ng Comelec nu’ng 2013 ang mga PCOS na inupahan nu’ng 2010 batay sa “option to purchase.” Pero nag-expire kaya wala nang bisa ang option nu’ng Dec. 2012, pasya ng Government Procurement Board.

AUTOMATED ELECTION ACT

BAKIT

COMELEC

GOVERNMENT PROCUREMENT BOARD

PERO

SIXTO BRILLANTES

SMARTMATIC

SMARTMATIC-TOTAL INFORMATION MANAGEMENT CORP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with