Walang alam
ILANG sundalo na rin ng ating Armed Forces of the Philippines ang namamatay nitong mga nagdaang araw ng dahil sa sunod-sunod na sagupaan sa New People’s Army.
Magkasunod ang atakeng inilunsad ng mga rebeldeng NPA na naging dahilan ng pagkasawi at pagkasugat ng ilang sundalo dito sa timog Mindanao.
At dalawang sundalo rin ang kinuha bilang bihag ng mga NPA sa Davao del Norte.
May massacre ring nangyari sa Loreto, Agusan del Sur na kagagawan din daw ng NPA at ikinamatay ng apat na tao, kasali na ang isang bata.
Hindi na rin mabilang ang mga panununog at raids na ginawa ng NPA sa mga bus at maging sa mga agricultural plantations at construction heavy equipment ng ilang pribadong kompanya.
Ang tanong ay paanong nagpatuloy ang mga pangyayaring ito gayong ilang ulit na ring ipinangako ng ating AFP na lipulin na ang NPA at maging ibang rebeldeng grupo maging ang Abu Sayyaf terrorist group?
Isang factor din nito ay ang pagka-walang alam ng ating mga sundalo sa terrain ng ating mga bundok na kung saan nagkukuta ang mga rebeldeng NPA.
Kabisado ng mga rebelde ang terrain habang walang kamuwang-muwang ang mga sundalo sa pasikot-sikot sa kaloob-looban ng mga bundok at kagubatan ng ating kanayunan.
Marami pang dahilan kung bakit patuloy na natatalo ang ating AFP laban sa NPA lalo na sa laki ng budget ng ating Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
- Latest