Getting ready
SA kauna-unahang pagkakataon, ang annual convention ng Philippine Association of Law Schools (PALS) ay ginaganap sa labas ng bansa, sa Hong Kong Special Administrative Region. 47 years na ang samahang ito at habang tumatagal ay lalong tumitibay bilang asosasyon at higit na nagiging makabuluhan para sa mga law school na kawani.
Ang pagdala ng convention sa Hong Kong ay bahagi ng mga hakbang ng legal education community na kila-lanin ang papalapit nang integrasyon ng mga bansa ng ASEAN sa larangan ng ekonomiya at serbisyo. Mapipilitan ang ating mga negosyo na tanggapin ang pinalawak ng kumpetisyon mula sa ating mga karatig bansa gayun din sila na posibleng makakakumpetensya din ang mga bilihing Pinoy. Kasabay nito ay ang pagbukas din ng mga borders ng mga miyembrong bansa sa mga propesyonal upang makapagtrabaho kung saan man sila dalhin ng pagkakataon sa loob ng ASEAN community.
Sa lahat ng propesyonal, malaki ang papel na gagampanan ng mga abogado dahil kakailanganing intindihin at mapag-aralan ang mga batas ng ibat ibang bansang myembro ng ASEAN. Bago ito ay kailangang siguruhin kung naaayon sa mismong Saligang Batas natin ang mga probisyong banyaga.
Hindi madali para sa law school community na basta na lang baguhin ang tinuturong curriculum. Ilang taon nang pinagtatalunan ang reporma sa legal education lalo na sa bar exam at sa kakulangan ng pagkahanda ng mga law graduate para agad makapagpractice.
Dito sa Hong Kong ay pagtutuunan ng pansin ng mga law school deans ang mga usaping ito, kasama ng mga panauhin mula sa Supreme Court, sa mga foreign university at law schools, at ng mga miembro ng ASEAN.
Ang PALS ay patuloy na magpupursigi para lalong ma-iangat ang antas ng legal education sa bansa. Ito ay panatang isasakatuparan at pangako sa bansa.
- Latest