^

PSN Opinyon

Ipagdasal natin si PBA legend Samboy Lim sa agaran niyang paggaling

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

ISA ang mga kuwago ng ORA MISMO, na nagdarasal at humihingi ng panalangin sa lahat ng madlang pinoy para sa mabilis na ‘recovery’ ni PBA legend Samboy Lim up to now kasi ay nasa intensive care unit ng Medical City ito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, marami ang nagulat last Friday evening ng bigla na lamang bumagsak at mahilo si Samboy habang nasa gilid ito ng basketball court para mag-stretching maglalaro sana ito sa isang friendly game ng mangyari ang insidete.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat iksaminin mabuti si Samboy para malaman ang brain condition nito dahil stable ang cardiac status niya at iba pang body organs.

‘Malaki ang utang na loob natin kay Samboy dahil ito mismo ang nagtiyaga at nagturo para matuto ng larong basketball ang anak ng Chief Kuwago.’

‘Kaya ang hiling natin sa madlang pinoy ay magdasal ng kahit ilang minuto sa maghapon para sa mabilis na paggaling ng ating idol!’

Amen.

Ona, ona lang iyan...Hehehe

LOOKING for ona este mali one pala ang malakanin este Malacañang pala para raw sa magiging kapalit ni DOH Secretary Enrique Ona kaya binigyan pa ito ng panahon para magdasal este mali maghapi-hapi pala muna sa kanyang pagbabakasyon habang ginagawa ang kanyang isusumiteng report kay P. Noy?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ayaw aminin ng mga bright dyan sa palasyo kung totoo ang sumisingaw na utot este mali usok pala kung up to when ang Christmas vacation ni Ona dahil alaws pa raw napipilipit este napipisil pala si P. Noy na papalit kay Iking kung saka-sakali sa Department of Health.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malapit-lapit na raw kumanta ng ‘goodbye’ si Ona sa Malacañang kasi nga, wala pa daw mapilipit este mali mapili pala para pumalit dito kaya tahimik muna ang mga kasangga ni P. Noy lalo na sa media?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat magkaroon ng panahon si P. Noy na mabasa ang ibibigay na report ni Ona tungkol ito sa usapin na pagbilad este pagbili pala ng Department of Health ng anti-pneumonia vaccines noong active pa siya sa kanyang trabaho.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last October ay pinag-vacation leave ni P. Noy si Ona para maayos niya ang sarili sa paggawa ng report sa pagbili ng anti-pneumonia vaccine na PCV10 imbes na sa channel 13 este mali PCV13 pala na recommended na gamot ng World Health Organization.

Sinulsulan este mali inutusan pala ni P. Noy last June 2014 si DOJ Secretary Leila de Lima na magsagawa ng imbestigasyon kung may scam sa kontrata sa pagbili ng DOH ng PCV10.

‘Ano kaya ang lumabas sa investigation ng NBI?’ tanong ng kuwagong SPO -10 sa Crame.

‘Magustuhan kaya ni P. Noy ang magiging report ni Ona sa kanya ?’ tanong ng kuwagong magtataho.

‘Siempre ona,ona lang iyan kapag nagkataon.’ Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tuwang - tuwa sa galak si ‘press release’ lady kapag sinibak si Ona sa DOH.

‘Siya kaya ang papalit?’

Abangan.

Kawawang OFW’s from West Africa

KAYANIN kaya ng gobierno ang pagdagsa ng mga OFW’s na darating ngayon kapaskuhan sa Philippines my Philippines na galing West Africa na sinasabing pinanggalingan ng nakakatakot at nakakamatay na sakit ang ‘e-bulsa’ este mali ebola virus pala.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may 14 people na mga OFW ang naka-quarantine ngayon sa dating lugar ng Nayon Pilipino malapit sa NAIA terminal 2 at kasalukuyang inaalalayan na raw ng taga - Bureau of Quarantine pero ang problema ay dehins pa nila makita si DOH acting Secretary Janette Garin para bisitahin sila at malaman kung ano ang magiging situasyon nila todits.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana mapayuhan sila sa lalong madaling panahon dahil sabik na sabik na silang makita, mayakap, maka-kuentuhan at makapiling ang kanilang pamilya.

Ika nga, ito ang malungkot na parte dito!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ngayon Christmas season maraming OFW’s mula sa West Africa ang uuwi sa Philippines my Philippines at sana asikasuhin nilang mabuti ang mga ito tulad ng ginawa ni Garin sa mga AFP.

Abangan.

ASSET

AYON

ESTE

KUWAGO

MISMO

ONA

ORA

PALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with