^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Bayani ng masa

Pilipino Star Ngayon

NGAYON ay ika-151 kaarawan ni Andres Boni­facio — ang bayani ng masa at mga kapuspalad. May nagtanong kung bakit ang kanyang kapa­nganakan ang ginugunita at hindi ang kanyang kamatayan. Simple lang ang sagot:  Karumal-dumal ang kanyang naging kamatayan hindi sa mga kamay­ ng kaaway kundi sa kanyang mga kasama sa kilusan. Pinatay siya at ang kanyang kapatid na si Procopio noong Mayo 10, 1897 sa isang bundok sa Cavite. Makaraan silang patayin, inilibing sila sa isang lugar na walang tanda o marker kaya hindi matiyak kung ang nahukay na buto noong 1918 sa isang tubuhan sa Maragondon ay kay Bonifacio nga ba. Inilagay sa isang urna ang mga buto at inilagak sa National Library na nasa Legislative Building. Nang bombahin ng mga Hapones ang Maynila noong World War 2, kasamang nasira ang mga buto ng bayani.

Ipinanganak si Bonifacio sa Tondo, Manila noong Nobyembre 30, 1863. Lima silang magkakapatid at siya ang panganay. Maaga silang naulila kaya siya ang nagtaguyod sa kanyang mga ka­patid. Marami siyang pinasukang trabaho. Nagtinda ng mga tungkod at pamaypay. Nagtrabaho siya sa isang British company at pagkatapos ay sa German company. Habang walang ginagawa, nagbasa siya ng mga libro ukol sa French Revo­lutions, akda ni Victor Hugo na Les Miserables at mga libro tungkol sa mga naging presidente ng America. Nabasa rin niya ang Noli Me Tangere at El Felibusterismo ni Dr. Jose Rizal.

Hanggang sa itatag niya ang Katipunan. Si­nimulan nila ang rebolusyon sa pagpunit ng mga sedula. Lumaban nang buong giting sa mga Kastila­ sa kabila na kulang sa armas — itak laban sa mga kanyon ng kalaban. Maraming namatay sa mga Katipunero. Pero sa kabila niyon, hindi pa rin sumuko si Bonifacio.

Nakalulungkot na hindi siya namatay sa kamay ng mga Kastila kundi sa kamay ng kanyang mga kasama sa kilusan. Hindi malilimutan si Boni­facio sapagkat siya ang sumasagisag sa masang Pilipino. Mananatili sa isipan ng bawat isa ang ipinakita niyang tapang at pagmamahal sa bayan. Siya ang tunay na bayani ng masa.

ANDRES BONI

BONIFACIO

DR. JOSE RIZAL

EL FELIBUSTERISMO

FRENCH REVO

KANYANG

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with