^

PSN Opinyon

Airport ipinasara ni Governor

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

Alam n’yo bang ipinasara ni Governor ang nag-iisang airport sa kanilang prubinsiya?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Misael “Boy” Gonzales ng DZRH, Andy Verde, Andy Vital, Nicolehiya Tinana ng Love Radio 90.7FM, Myrel Joyce Garcia, Hazen Bertol at Bro. Tom Bautista.

Alam n’yo bang sa halip na pagandahin ang kanilang sira-sirang airport sa probinsiya, ipinasara pa ito ni Governor? Sana ginaya na lang si Senate President Franklin Drilon basta wala lang overpricing.

Ayon sa aking bubwit, galit na ang constituents ni Governor dahil pinairal ang personal na interes kaysa magandang pakinabang ng probinsiya. Mantakin n’yo, dahil hindi tauhan ni Governor ang nanalong contractor na gagawa sana sa rehabilitation ng airport, ipinasara ito. Dahil sa ginawa, naapektuhan ang negosyo sa kanilang probinsiya.

May mga nagsara katulad ng isang first class beach resort na pangturista. May prospective investors naman ang umatras dahil hindi na nga gumagana ang airport. Ayon pa sa aking bubwit, pati pagpasok ng Supercats ferry sa island province para mapabilis ang transportasyon dahil sarado ang airport, hinarang din ni governor.

Makakalaban kasi ng Supercats ang mga barkong bumibiyahe sa probinsiya. Ang mga barkong luma at mabagal ay may sosyo ang nasabing opisyal kaya hindi pinapasok ang Supercats. Ayon sa aking bubwit, nang bumiyahe ang Supercats sa prubinsiya, inutusan ni Gob ang mga tauhan na lagariin ang elysee ng isang Supercat habang nakadaong.

Ang governor na nagpasara sa kanilang airport dahil hindi kakampi ang nanalong contractor ay si Gov. C. as in Carmelita.

vuukle comment

AIRPORT

ANDY VERDE

ANDY VITAL

AYON

HAZEN BERTOL

LOVE RADIO

MYREL JOYCE GARCIA

NICOLEHIYA TINANA

SUPERCATS

TOM BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with