^

PSN Opinyon

Seryosong laban kontra poaching

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINATULAN na ng Regional Trial Court sa Palawan ang siyam na Chinese sa kasong poaching, o ang paghuli o pagpatay sa mga hayop na protektado na ng batas. Nahuli ang siyam noong Mayo nitong taon, at nakita sa kanilang bangka ang 216 na buhay na pawikan. Kaila-ngan nilang magbayad ng multa, bukod sa kulong na hindi kukulang sa 12 at hihigit sa 20 taon. Mabigat na parusa, pero kailangang gawin.

Ganito kaseryoso ang bansa laban sa poaching. Kapag may lumabag, kakasuhan kaagad. Napakalaking isyu ng pangangalaga ng mga protektadong hayop, lalo na mga mababa na ang bilang. Maraming ahensiya ang agresibo sa laban na ito, at ginagamit ang lahat ng paraan para igiit ang mensahe sa lahat. Isa sa mga pamamaraan ay ang paghanap ng spokesperson, para magsilbing mabisang tagapagsalita laban sa poaching.

Ang WildAid ay isa sa mga ahensiyang iyan. Nakita ko sa isang cable channel na si Yao Ming ang tagapagsalita ngayon laban sa poaching, partikular ang pagpatay sa mga elepante para lamang sa kanilang malalaking pangil na gawa sa ivory. Ayon sa datos ng WildAid, higit 20,000 elepante ang pinatay noong taong 2013 para lamang sa kanilang ivory. Kung magpapatuloy ang bilang na ito, baka wala nang elepante sa taon 2020. Naiisip n’yo ba ang mundong wala nang elepante? At sino ang numero unong bansa na bumibili ng iligal na ivory? China.

Mabuti at nakuha nila si Yao Ming bilang tagapagsalita kontra poaching. Ang sikat na dating NBA player ng Houston Rockets ay inaasahan nilang magiging epektibo para ihatid ang mensahe kontra sa iligal na pangangalakal ng ivory sa China. Kasama rin niyang mga tagapagsalita sina Prince William at David Beckham. Alam ko si Jackie Chan ay aktibo rin sa laban kontra poaching. At hindi lang mga elepante ang gustong protektahan, kundi pati na rin mga pating dahil sa kanilang palikpik, mga rhino dahil sa kanilang sungay, mga tigre dahil sa kanilang buto, kasama na rin ang pawikan. Karamihan ay ginagamit lang pandekorasyon, at kung sinasabing may katangian para magpagaling ng mga sakit, hindi pa naman napapatunayan ito. Tunay na sayang, tunay na walang saysay na pagpatay.

Narinig na natin ang pamansag na “When the buying stops, the killing can, too.” Sino nga naman papatay pa sa mga hayop na nabanggit kung wala namang bumibili? Kaya tuloy pa rin ang pagpatay dahil marami pa rin ang gustong bumili. Naging matindi nga ang poaching nang maging maunlad at maganda ang ekonomiya na rin ang China. Kaya ang konsentrasyon ng kampanya laban sa poaching ay nasa China. Sana naman marami ang makaintindi sa malaking problemang ito. Sana naman makinig ang China.

DAVID BECKHAM

HOUSTON ROCKETS

JACKIE CHAN

KAYA

POACHING

PRINCE WILLIAM

REGIONAL TRIAL COURT

RIN

YAO MING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with