^

PSN Opinyon

Goodbye, Pandacan Oil Depot

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

KAHAPON ay tinuldukan ng Mataas na Hukuman ang matagal nang extended stay ng Pandacan Oil Depot sa kalagitnaan ng Maynila. Ilang administrasyon na ring pinagtatalunan ang kapalaran ng Oil Depot. Naaalala ko kahit noon pang administrasyon ni Mayor Mel Lopez, 1988, ay naumpisahan na itong pag-usapan.

Sa kalakhang Maynila, pihadong higit na marami ang walang malay man lang sa isyung ito. O kung apektado man sila’y siguradong pumapanig sa mga kumpanya. Hindi sila masisisi dahil sa pananakot ng kumpanya na tataas ang halaga ng langis sakaling mabulabog ang matagal nang nakasanayan at nagastusang sistema ng Pandacan.

Sa loob ng Konseho ng Maynila, ang pangunahing konsiderasyon ay hindi ganansya kung hindi ang kalusugan at kaligtasan ng mga residente. Ilang beses na ring nagkasunog sa oil depot na muntik nang maging mitsa ng pagkaubos ng buong komunidad. Dama rin ang masamang epekto ng langis sa tubig Pasig at ng usok at singaw na ito sa oxygen na pumapasok sa mga baga ng taga-Pandacan.

Ang mapait nga ay matagal nang tinitiis ang pagkapuwesto ng mga higanteng kumpanya sa maling akala na malaki ang naitutulong nito sa kaban ng Lungsod. Maaring may mangilan-ngilang benepisyong nabibigay sa mga kinalalagyang barangay subalit kung ang pagbabahagi ng bilyun bilyong kita ang pag-usapan, ang hindi alam nang marami ay kung paano hinarang at nilabanan ng mga kumpanya ang pagsingil ng Lungsod ng kaukulang buwis sa kanila. Ang limitadong exemption ng mga oil company sa national taxes ay pinilit din nilang idahilan para hindi magbayad ng local business taxes.

Kung kukuwentahin ang binayad ng mga ito sa Lungsod sa huling mga dekada, magugulat kayo sa liit ng halagang naitulong ng mga ito para sa ikabubuti ng kabuhayan ng mga residenteng napipilitang magtiis.

Kung kaya napakagandang pangyayari nitong Supreme Court decision na wakasan na talaga ang kuwento ng Pandacan Oil Depot. Sa susunod na mga araw, sa pangunguna ni Mayor Erap, Vice Isko, mga konsehal at opisyal ng pamahalaang lungsod, sa pakikipagtulungan ng komunidad at ng mga kumpanya, makakahanap din tayo ng maiging resolusyon at transisyon patungo sa mas makabuluhang kinabukasan para sa lahat.

vuukle comment

ILANG

LUNGSOD

MAYNILA

MAYOR ERAP

MAYOR MEL LOPEZ

OIL DEPOT

PANDACAN

PANDACAN OIL DEPOT

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with