56th Anniversary ng FEULAA
INIIMBITAHAN ni Atty. Biyong Garing, past President ng Far Eastern University Law Alumni Association ang lahat ng mga kasapi nila para dumalo sa FEU Law Grand Alumni homecoming at 56th anniversary celebration, this coming Friday (Nov. 28) at 7pm sa Rigodon Hall dyan sa Manila Hotel.
Sinabi ni Atty. Garing, ang panauhin pandangal at speaker nila ngayon 2014 ay si Atty. Juan de Zuniga, deputy Governor Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ayon kay Atty. Garing, tickets at P2,000 each will be available at the venue.
Sabi nga, See you there!
Nang magtipid ang MIAA..Hehehe
SUMEMPLANG ang pakana ng Manila International Airport Authority na pagbayarin at isama sa ticket ang P550 terminal fee sa mga international passengers going abroad kaya dismayado ang mga official dito sa ginawa ng Pasay City court na dehins sila puedeng kumolekta ng bayad including OFW’s.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ruling dated 19 November 2014, ni Pasay Presiding Judge Tingaraan Guiling ang MIAA Memorandum Circular Order 8 promulgated on 15 September 2014 is “unenforceable”.
‘Marami kasing pumalag na organization dito kaya naman nag-file sila ng petition for certiorari laban sa gustong mangyari ng MIAA.’ sabi ng kuwagong napa-iyak sa galak.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa sobrang pagtitipid ng ilang opisyal ng MIAA imbes na magbayad sila para sa ‘ads’ at ma-ilathala nila sa isang dyaryo na may general circulation ang Memoradum Circular 8, ginawa nilang press release ang mga ito para makatipid diumano na hindi naman daw ginamit ng ilang reporters na pinagbigyan nila ng balita sa NAIA? Hehehe!
Naku ha!
“Bereft and absence of publication, the said Memorandum Circular 8 is unenforceable,” ayon sa ruling.
‘Kaya ngayon dehins muna puedeng ipatupad ng MIAA ang paniningil sa lahat ng pasahero going abroad para isama sa ticket nila ang ibabayad P550.00 terminal fee.’
Abangan.
Batangas PD Jireh Omega Fidel
Bakit mukhang nagbibingi-bingihan lamang si Batangas PD Supt. Jireh Omega Fidel para pahintuin nito ang lantarang operasyon ng iba’t ibang iligal na pasugalan sa nasasakupan nito?
Tanong - sino kaya ang kapit ni Kernel kaya malakas ang loob?
‘Si Batangas Governor Vilma Santos kaya?’ tanong ng kuwagong magtataho.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pati sa loob ng mga lisensyadong sabungan sa mga bayan gaya ng Rosario, Mataas na Kahoy at Bauan ay may sakla pero manok lang naman ang namamatay at hindi ito pinaglalamayan dahil iniluluto at kinakain ito. Hehehe!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malakas din ang laban sa ‘cara krus’ at color game dito.
‘Anong say mo Kernel Fidel?’ tanong ng kuwagong urot.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dalawang araw lamang ito itinigil ang illegal na sugalan sa mga sabungan dahil nakarating sa Crame ang ulat pero pagkatapos balik saklaan, color game at cara krus ulit sa mga sabungan.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang wala yatang ginagawang aksyon si Rosario chief of police Supt. Domingo III para ipatigil ang operasyon ng saklaan sa MD Cockpit sa Bgy. Natu at JV Cockpit sa Bgy. Quilib sa Rosario pati ang Lions Arena sa Mataas na Kahoy at Bauan Cockpit sa Bauan ay lantaran din ang operasyon ng saklaan at iba pang sugal gaya ng cara y cruz at color game? Take note, Region 4 Director Gatchlian, Sir.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pati sa Balayan ay naglatag na rin ng mga video karera na nakakasira sa kabataan dahil madalas dito sila nakikita at kapag natalo sa sugal ay nakatulala.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang lotteng ng isang Kap. Peping sa bayan ng Calatagan, Calaca, Nasugbo at Agoncillo.
Abangan.
- Latest