^

PSN Opinyon

Napakabagal naman talaga

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

LABINGWALONG taon. Ganito katagal naghintay ng hustisya ang mga kapamilya ng mga namatay at mga nakaligtas na biktima sa sunog na naganap sa Ozone Disco noong 1996. Nahatulang may sala ang pitong dating opisyal ng Quezon City Engineer’s Office. Sila ang nagbigay ng permit sa Ozone Disco kahit maraming paglalabag ang disenyo ng nasabing gusali sa building code. Dahil sa kanilang ginawa, 162 tao, karamihan kabataan, ang namatay nang masunog ang establisyamento. Patong-patong na paglalabag ang nadiskubre nang imbistigahan na ang trahedya. Ang parusa ay anim hanggang 10 taong pagkakakulong, at hindi na makakabalik sa anumang trabaho sa gobyerno.

Pero mas matagal naghintay ng hustisya ang mga kapamilya at nakaligtas na biktima ng nasabing sunog. Masaya sila na lumabas na ang desisyon, pero hindi pa rin nawawala ang mga masasamang alaala. Pati ang ilang may ari ng Ozone ay nahatulang may sala. Lumalabas na inayos ang permit ng Ozone para magbukas. Pero dahil sa kanilang pagka-ganid ay trahedya naman ang kapalit. Tama lang na ang lahat ng may sala ay maparusahan.

Pero ganito ba katagal bago makamit ang hustisya sa Pilipinas? Hindi ba mapapabilis? Tingnan lang ang Maguindanao massacre, na limang taon na rin. Bukod sa mabagal na takbo ng proseso, isa-isa nang namamatay ang mga testigo dahil makapangyarihan pa ang pamilyang akusado sa karima-rimarim na krimen. Parang wala pa ngang nangyayari sa nasabing kaso, kahit marami nang nakalap na ebidensiya. Limampu’t walong tao, karamihan mga mamamahayag, ang walang awang pinatay at tinangkang ilibing pa sa Maguindanao.

Kaya wala ring takot ang mga makapangyarihan o mayayaman na gumawa ng krimen o katiwalian, dahil taon, dekada pa nga ang aabutin ng mga kaso, kung masampahan. Kapag naging pabor pa ang mga opisyal sa kanila, maaaring abswelto. Kung may dapat maganap na pagbabago sa Pilipinas, ito na ang hustisya at napakabagal nga naman talaga.

BUKOD

DAHIL

GANITO

KAPAG

MAGUINDANAO

OZONE DISCO

PERO

PILIPINAS

QUEZON CITY ENGINEER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with