Mga piyesa ng MRT, binibili na lang sa Raon, Quiapo
ALAM n’yo ba ang dahilan kung bakit madalas masira ang mga tren ng MRT at LRT?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Rev. Wilfredo Ruazol ng IFI, Bro. Camilo de Leon Jr., Sis Ellen Nicolas, Eloi Baltazar, Isabelo Laroco, Mike Tajonera at Frederick Pielago.
Alam n’yo bang dumarami ang mga nasisi-rang tren ng MRT at ang mga ito ay hindi na puwedeng i-repair pa?
Ayon sa aking bubwit na isang engineer sa MRT at LRT, kaya pala lalong humahaba ang pila ng mga pasahero ng MRT tuwing rush hours ay dahil marami na ang sirang tren at ang mga ito ay nakatambak na lamang sa depot.
Noon ay 73 tren ng MRT ang bumibiyahe subalit ngayon ay 57 na lamang. Naubusan na kasi sila ng mga spare parts na madalas masira katulad ng axle pinion, ATP sensor, traction motor, windshield, mga fuse at iba pa. Ito pala ang dahilan kaya madalas tumirik ang mga tren, bigla na lamang bumubukas ang pintuan kahit tumatakbo na at kung mamalasin, nasusunog pa.
Ayon pa sa aking bubwit, kapag kailangan nila ng mga piyesa, ito ay kinakahoy na lamang sa mga nasira nilang tren na nakatambak sa depot. Pero ang malungkot na balita, ngayong naubos na ang mga piyesang puwede nilang i-recycle o irepair, hindi na sila bumibili ng mga piyesa mula sa abroad.
Sila ay bumibili na lamang sa Raon St., Quiapo, Manila. At dahil mahinang klase ang mga binibiling piyesa sa Raon, asahan na dadalas pa ang pagtirik ng mga tren ng MRT at asahan din na mababawasan pa ang mga bibiyaheng tren.
- Latest