^

PSN Opinyon

Gamot sa kuto at galis

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Kuto (head lice):

Ang medical na term sa kuto ay Pediculosis Capitis. Ang kuto ay isang napakaliit na insekto at kulay brown. May mga matutulis na kamay ang kuto na parang sa ipis. Kapag nahawa tayo, kumakapit ito sa ating buhok.

Ang mga nakikita nating puti-puti na dumidikit sa buhok ay mga itlog ng kuto na tinatawag na lisa. Tinatawag ding nits o lice eggs. Dahil sa kuto, madalas kumakati ang ulo ng pasyente. Parang may balakubak sila. May mga tagihawat din sa ulo, leeg at balikat.

Mabilis makahawa ang kuto. Kapag madikit ang ulo mo sa isang taong may kuto, puwede kaagad lumipat ang kuto sa iyo.

Ang mga gamit na madalas dapuan ng kuto ay ang mga unan, baro, sombrero at stuffed toys. Banlian ito nang kumukulong tubig at ibilad sa matinding araw. Mahirap patayin ang mga kuto, pero heto ang mga paraan.

Magpaikli ng buhok – Magpagupit ng manipis o i-layered ang buhok para walang makapitan ang kuto.

Gumamit ng suyod para matanggal ang mga itlog at kuto sa buhok.

Bumili ng Kwell Shampoo, generic ay Permethrin 10 mg. Basain ang buhok, lagyan ng Kwell shampoo at hayaan sa buhok ng 10 minuto bago banlawan. Ingatang huwag pumunta sa mata. Ulitin ito pagkaraan ng isang linggo kapag hindi pa naubos ang kuto.

Huwag pong pasaway. Gamutin ang kuto at huwag manghawa ng iba.

Galis (scabies):

Ang galis ay galing sa maliit na hayop na kung tawagin ay Sarcoptes scabei. Tumitira ang galis sa katawan ng tao at sa hayop tulad ng aso at pusa. Kapag nasa tao, puwedeng mabuhay ng 1 buwan ang scabies. Kapag wala na sa katawan ng tao, nabubuhay pa ito ng hanggang 2 araw.

Dahil nga may mga pamilya na siksikan sa bahay at tabi-tabi kung matulog, mabilis makahawa ang galis. Mag-ingat sa paggamit ng tuwalya, unan, bedsheet at panyo ng isang taong may galis, at baka mahawa ka!

Ang galis ay kumakapit sa mga kamay, pulsuhan (wrist), paa, siko at suso. Parang maliliit na tagihawat na may linya ang hitsura nito. Nagtatago ang parasitiko sa skin-folds o sa pagitan ng mga daliri ng kamay at paa. Makating-makati ang galis at lalong makati sa gabi. Minsan ay nagsusugat ang balat dahil sa kakakamot.

Paano gagamutin ito? Bumili ng Kwell Lotion, ang generic name nito ay Permethrin 50 mg lotion. Sundin maigi ang direksyon ng paggamit nito. Maligo muna, pagkatapos ay ipahid ang Kwell Lotion sa buong katawan, mula leeg hanggang paa. Hayaan ang lotion sa katawan ng 8 oras at pagkatapos ay maligo ulit. Kapag hindi naubos ang galis, ipahid ulit ng 1 beses pa sa susunod na araw. Tandaan: Sundin maigi ang direksyon sa paggamit ng Kwell shampoo at Kwell lotion, dahil may side effect ito kapag nasobrahan ang gamit.

Lahat nang may galis sa bahay ay dapat gamutin. Dahil kung hindi, ay magkakahawahan ng paulit-ulit. Iwas galis. Iwas kuto. Panatilihing malinis ang katawan.

BUHOK

BUMILI

DAHIL

GALIS

KAPAG

KUTO

KWELL

KWELL LOTION

KWELL SHAMPOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with