^

PSN Opinyon

Salot

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

IPINAKITA ni Acting MPD director SSupt. Rolando Nana na may bayag siya sa lahat ng mga naging hepe ng Manila Police District matapos sibakin ang 14 na pulis ng District Anti-Illegal Drugs. Patunay kaya ito na kaya rin niyang sagupain ang mga kilabot na drug lords sa Quiapo, Baseco, Ermita, Sampaloc, San Andres at Tondo, Manila? Ayon sa aking mga nakausap matagal nang gatasan ng mga pulis DAID ang mga kilabot na drug pushers na maging ang mga taga presinto ay nakikisawsaw dito. Kayat ang mabuti mong gawin ay sorpresahin din ang pag-inspeksyon sa mga presinto nang mabura sa imahe ng MPD ang mga salot na pulis. Sa katunayan madali lamang itong matungkab dahil ang palatandaan na maraming droga sa kalye ay mga video karera at fruit games. Ang palatandaan na maraming video machine ay ang magdamagang laro ng dart games sa bukana ng mga eskinita, ito kasi ang nagsisilbing look-out ng pushers.

Ang mga video machine operators din ang nagpapakalat ng droga sa mga parukyano nila dahil ito ang trip ng mga adik. Alpasan mo si DSOU chief CInsp. Jesus Respes kasama ang mga matitikas na “kolektor” este raiding squad dahil alam nila ang lahat ng mga puwesto ng mga illegal na video karera at fruit games sa iyong nasasakupan. Tanging ang District Special Operation Unit lamang ang may karapatan na sumalakay sa mga illegal gambling sa Maynila kung kaya talos nila ang kalakaran ng intelihensya. Get mo Ferman! Kasi nga kung tuluyang mawalis itong mga VK at FG sa squaters area tiyak na maglalayasan ang mga adik kahit na itanong mo pa kay PS-2 tsep Jacson Tuliao. Bukambibig ng mga pulis ang pagsulputan na parang kabute ng VK at FG sa nasasakupan  ni Tuliao dahil wala ito sa priority concern niya. Talamak din ang lootting, endeng, bookies ng horse racing at sugal lupa kaya pinamumugaran ito ng mga kriminal.

Maging ang nasasakupan ni Supt. Aldrin Gran sa Quiapo, Sta. Cruz, Blumentritt ay lantaran din ang bentahan ng droga sa kalye dahil ang pinaghahandaan niya ay pakiki-pagba-ngayan sa reporter. Minsan na itong napatunayan ni Plaza Miranda Commander Insp. Rommel Anicete nang makadunggol ng sangdamakmak na Cytotec sa nagngangalang Ricardo dela Cruz. Patunay lamang ito na ang abortion pills ay talamak ang bentahan sa kapaligiran ng Quiapo Church ngunit hindi ito alam ni Gran. Paano nga naman mabigyan ng pansin ni Gran ang problema sa droga at abortion pills diyan sa kanyang nasasakupan, e abala siya sa parating ng sidewalk vendors. Kaya oras na binanatan ito ng media tumataas na agad ang kanyang dugo, at maghahamon ng away. Kaya ang payo ko SSupt. Nana, ipatapon mo si Gran sa labas ng Maynila upang ng hindi na siya pamarisan ng iba pang matitinong opisyal ng PNP.  Ipagpatuloy mo ang pagsawata sa salot na droga. Abangan!

ALDRIN GRAN

CRUZ

DISTRICT SPECIAL OPERATION UNIT

JACSON TULIAO

JESUS RESPES

KAYA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with