^

PSN Opinyon

Importers at brokers

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

PATINDI ng patindi na ang paghambalos sa importers at brokers sa bakuran ni Bureau of Customs “ Hugas Kamay” Commissioner John Sevilla at Philippine Port Authority ‘‘Kabig ng kabig” General Manager Juan Sta. Ana sa isyung congestion problem. Kasi nga sa halip na hambalusin nina Sevilla at Sta. Ana ang shipping lines companies na nagpapabaya sa mga container na nakatambak sa Manila South Harbor at Manila International Container Port aba’y ang pinagbalingan ng kanilang kapalpakan ay importers at brokers. Ayon sa reklamo sa akin, naglabas umano ng bagong memorandum circular si Sta. Ana na ang tinutukoy ay ang pagtaas na naman ng bayarin sa nadi-delayed sa paglabas ng kargamento. Hilahod na nga sa pagsasauli ng mga empty container dahil abot langit na bayarin sa trucking o hauling at pambabaraso ng mga operator yards  ng Asian Terminal Inc. at International Container Terminal Services Inc., sa South Harbor at MICP lalo pa silang nilulugmok sa bagong direktiba. Ayon sa kanila labis ang kanilang pagkadismaya sa “Clarification on PPA Memorandum Circular No. 12-2014 Re Approved New Storage Rates for Overstaying Foreign Inbound Containers that have been Cleared by the Bureau of Customs (BOC) Withdrawal”. Na ang bagong storage rate ay: 20 footer, P5,000., 35 footer, P8,750, 40 footer, P10,000 at 45 footer, P11,250 sa loob ng limang araw. At kapag di agad nailabas ng importers at brokers sa bakuran nina Sevilla at Sta. Ana ang mga kargamento mistulang metro ng taxi ang patak kada araw.

So, maliwanag na papasanin ito ng mga importers at brokers ang gastusin subalit saan ba ito makaaapekto, di ba sa  mahihirap nating kababayan dahil tataas ang presyo ng mga bilihin. Nakangiting aso ang shipping lines companies na umaakupa sa pantalan dahil kakapiranggot lamang ang kanilang gastusin sa di paghakot ng mga empty container na nagpapasikip sa kaharian ni Sevilla at Sta. Ana. Kaya ang panawagan ng importers at Bbrokers kina Sevilla at Sta. Ana ay hambalusin muna ang shipping lines companies ng mahakot pabalik sa port of origen ang mga empty container ng mawala ang agam-agam na naghuhugas kamay at kabig ng kabig lamang kayo sa inyong teritoryo.  Kung sabagay mukhang mahirap marisulba ang problema sa pier dahil kung yung mga tinanggal na sa puwesto ng mga opisyales ng BOC at smuggling players ay patuloy pa rin sa pakikialam sa smuggling operation. Katulad na lamang nitong isang nagngangalang Bartolome na labas masok sa bakuran ni Sevilla. Si Bartolome umano ang pamato ng ilang brokers sa pag-under value ng shipment, kahit itanong n’yo yan sa Mocada Brokerage. Ang retired military officer na si Severino ay di pa natitigil sa pagbo-broker ng mga sasakyan ng PGA na ang kakutsaba umano ay si Remedios Espinosa sa Import Assesment Service (IAS). Sa Section-7 South Harbor naman ay may nagngangalang Liezel na wala namang item  sa BOC pero nakikialam sa gate pass na ang binabakalan ay brokers. Abangan!

ASIAN TERMINAL INC

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER JOHN SEVILLA

GENERAL MANAGER JUAN STA

HUGAS KAMAY

SEVILLA

SOUTH HARBOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with