^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Puro umpisa ang Senado

Pilipino Star Ngayon

MASIPAG mag-imbestiga ang Senate Blue Ribbon subcommittee na pinamumunuan nina Sens. Antonio Trillanes at Alan Peter Cayetan. Pero sa sobrang sipag ng committee, wala pa silang natatapos ni isa man sa mga inaakusa nila kay Vice President Jejomar Binay. Mahigit dalawang buwan nang gumugulong ang usapin kay Binay subalit wala pang nakikita kahit katiting na liwanag. Wala pang nasisilip kung may mararating ang pag-iimbestiga o ito ay katulad din ng mga nakaraang imbestigasyon sa Senado, na nawalang parang bula. Nag-aksaya lang ng oras sa pagdinig pero wala palang kapupuntahan. Ang nangyayari, puro umpisa lang ang pag-iimbestiga ng Senado.

Unang sumabog ang akusasyon kay Binay sa umano’y overpriced na Makati building na ginawa noong siya pa ang mayor. Katiwalian ang inaakusa kay Binay sapagkat ang halaga ng parking buil-ding ay P2.3 billion. Sobra-sobra raw ito. Ayon sa mga nag-aakusa, ang halaga lamang ng building ay P1.2 billion. Nagkaroon ng pag-inspeksiyon sa parking building at sabi, hindi raw ito mamahaling building. Maraming inimbitang experts sa planning, architecture, engineering at iba pa at masyado raw mahal ang building.

Pero biglang naputol ang imbestigasyon sa parking building nang biglang may pasabugin si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado ukol kay Binay. Sabi niya, siya ang nagdedeliber ng pera rito na nakalagay sa tatlong bag. Galing umano sa mga contractor ang pera. Ang pera ay para raw sa anak ni Binay na si Junjun (kasalukuyang Makati mayor) at kay Ebeng na secretary daw ng Vice President.

Pero naputol uli ang tungkol sa tatlong bag ng pera at napunta naman sa umano’y ari-arian ni Binay sa Rosario, Batangas. Lumutang ang umano’y 150-ektaryang “Hacienda Binay” na may sukat na 150-ektarya. May mga piggery na airconditioned, orchid farm, zoo na ang mga hayop ay kinabibila-ngan ng mga kabayo at kambing.

Ang “Hacienda Binay” ang kinakalkal ngayon at tila nawala na ang Makati Parking building na unang binubulatlat. Isa-isa lang muna. Tapusin ang unang inumpisahan para may makitang resulta. Ang nangyayari sa Senado, puro umpisa at walang resulta.

 

ALAN PETER CAYETAN

ANTONIO TRILLANES

BINAY

BUILDING

HACIENDA BINAY

MAKATI

MAKATI PARKING

PERO

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with