Tatakbo ako sa pagkapangulo kung…
Noong nakaraang Sabado may mga community at civic leaders na bumisita sa aking bahay sa Butuan City at hinimok nila ako na tumakbo sa pagkapangulo. Ang sabi ko sa kanila, tatakbo lamang ako kapag walang mga kandidato na may plataporma na lalaban sa nagpapairal ng kontraktwalisasyon at sa massive graft and corruption na sanhi ng joblessness at malawakang kahirapan sa bansa.
Sa kalagitnaan ng aking mga sinasabi, may dumating na isang kaibigang taga media. Habang nagsasalita ako, hindi ko namalayang sinusulat pala ang mga sinasabi ko. Kaya kinabukasan lumabas sa dyaryo na tatakbo ako sa pagkapangulo.
Medyo hindi tumpak ang balita dahil mariin kong sina- bi na may mga condition ang pagtakbo ko. kaya kung may kapanipaniwalang plataporma si VP Jojo Binay o si Secretary Mar Roxas na lalabanan nila ang kontrak-twalisasyon at kurapsyon, hindi na ako tatakbo.
Lalung naging mapusok ang paghihimok sa akin ng mga bisita ko dahil sa palagay daw nila tiyak na hindi lalabanan ni Binay at ni Roxas ang mga nagpapairal ng kontraktwalisasyon.
Dahil parepareho lang daw silang nagbubulagbulagan hinggil sa kontraktwalisasyon. Sabi nila si Binay at asawa at anak ay naging mayor ng Makati na pugad ng maraming shopping malls na nagpapairal ng kontraktwalisasyon at wala silang ginawa para tuldukan ito. Ang pamilya naman ni Mar ay nagmamay-ari ng mga shopping malls na may mga contractuals.
Hinggil naman sa kurapsyon, ang sabi ng mga bisita ko sa pagmumukha pa lang ng isa sa mga presidentiable, malawakang katiwalian na kaagad-agad ang pumapasok sa isip nila. Yung isa naman daw bagamat hindi corrupt ay sinusuportahan naman ng partidong corrupt at walang nagawa para sa kabutihan ng bansa na sa ngayon ay may mga 13 million jobless, 18 million underemployed, 10 million na contractuals, j.o’s, at casuals, 10 million OFWs, mga magsasaka at mangingisda na kulang sa suporta sa gobyerno at iba pa.
Kaya parang mga meimbro sila ng choral group na sabay-sabay nagsabing: “Amba ikaw na!” lalu na, sabi nila at taga Mindanao ka na wala pang naging pangulo. Ang sabi ko sa kanila, suriin nyo muna ang magiging plataporma ni Grace Poe o Rudy Duterte. Baka sila na at hindi ako.
- Latest