Kotongan
NOONG nakaraang taon nahalukay ni Mayor Erap Estrada at Boy Sita/Boy Hatak Vice Mayor Isko Moreno ang lihim na tabakuhan sa bakuran ni Boy Hugas Kamay Commissioner John Sevilla sa Bureau of Customs naglundagan ang mga negosyante, brokers at trucking operators. Kasi nga nabuking na may ilang dekada na palang hindi naaanggihan ng datung ang Maynila. Kaya sa unang hambalos ng mga kamao nina Erap at Isko nagtaasan ang hauling fees ng trucking firms. Lumalabas na naging pera-pera lang ang pagpapatupad ng truck ban, pinuntirya ang super taas na bayarin sa accredited towing companies. Sa unang bugso, okey dahil dumalang ang mga truck na pasaway at nabawasan ang aksidente sa Maynila, subalit sa kalaunan ay naging masalimuot ito dahil nagbara na ang lahat ng mga pangunahing kalye sa Metro Manila. Doon na ikinumpas ni Pres. Noynoy Aquino ang kanyang kinakalawang na kamay na bakal dahil maging ang kanyang convoy ay natatrapik din. Iyon ang simula upang mabuking na karamihan pala sa mga trucking ay mga colorum o green plates. Todo aksyon agad sina MMDA chairman Francis Tolentino at LTFRB chairman Winston Gines na naging giya upang matakot ang mga naghahari-hariang truck driver at operators.
Kung susuriin malaking bagay ang paghalukay nina Erap at Isko sa lihim ng pier dahil mali-legalized na ang frankisa ng mga truck at malaking datung ang papasok sa kaban ng bayan. Kaya hindi dapat na sisihin dito sina Erap at Isko bagkus dapat silang parangalan ni P-Noy. Ngunit lumobo pa rin ang problema sa loob at labas ng bakuran ni Boy Hugas Sevilla sa port congestion dahil naging sentro ng kotongan. Kung sa labas ng Philippine Port Authority kasi habang nakapila ang mga truck ay naging palabigasan ng towing personnel at MTPB traffic enforcers kaya lupaypay ang mga negosyante, brokers at trucking operators sa gastusin. Ngunit papayag ba naman ang Aduana businessmen na sila’y malulugi, siyempre hindi dahil ipinatong nila ito sa mga produkto kaya tumaas ang mga bilihin. Ang masakit ang taumbayan ngayon ang naghihirap sa pagtaas ng mga bilihin. Ngunit hindi lamang pala sina Erap at Isko ang dapat purihin at sisihin dahil sa ngayon pera-pera na rin ang kalakaran sa bakuran ni Boy Hugas Kamay Sevilla at PPA General Manager Atty. Juan Sta. Ana sa pagsasauli ng mga empty container. Tumataginting na P1k to P2k ang naibubulsa ng PPA at shipping lines companies personell sa pagpasok at paglabas ng mga container sa Manila South Harbor at Manila International Container Port mula sa trucking firms at brokers. Iyan ang inyong aabangan sa sunod na isyu mga suki!
- Latest