^

PSN Opinyon

Tamaraw dumarami, kalabaw kumokonti

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MABILIS dumami ang bilang ng rare tamaraw. Pero bahag­yang kumonti ang kalabaw. Ito ang ulat kamakailan ng dalawang grupong siyentipiko.

Sa taunang survey sa Mindoro nitong Abril, 382 tamaraw ang nabilang. Mahigit 10% lundag ito mula sa 345 nu’ng 2013, at 15% mula 327 nu’ng 2012.

Makakamit ang programang Tamaraw Times Two, na layon doblehin ang dami ng tamaraw mula 300 tungong 600 sa taong 2020.

Nararapat purihin ang conservation program ng gobyerno at pribado: Dept. of Environment and Natural Resources, Tamaraw Conservation Program, at World Wide Fund for Nature. Espesyal na parangal sa tulong ng Far Eastern University (na Tamaraw ang pangalan ng varsity team), at ng tribong Tau Buid sa kagubatan ng Mindoro.

Pandak kaysa kalabaw (Bubalus bubalis carabanesis) pero mas mabulas ang tamaraw (Bubalis mindorensis).

Korteng V ang sungay ng tamaraw, maikli ang buntot, at magaspang ang balat. Mabangis din ang tamaraw, at nantutugis ng tao.

Nasa 10,000 ang tamaraw nu’ng mga unang taon ng siglo-1900. Naubos sila dahil sa pagtotroso, pangangaso, at sakit na rinderpest.

 Samantala, kumonti ang kalabaw nitong 2014. Sa taunang survey nitong Hulyo, 2.86 milyon ang kalabaw sa maliliit na sakahan. Nabawasan ito nang 29,458 (1.03%) mula sa 2.89 milyon nu’ng 2013.

Pero nadagdagan nang 169,312 (5.92%) ang mga kalabaw sa commercial farms.

Ulat ng Philippine Statistics Authority (Bureau of Agricultural Statistics), 99.57% ng kalabaw ay sinisilang sa maliliit na sakahan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail:[email protected]

 

 

BUREAU OF AGRICULTURAL STATISTICS

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

FAR EASTERN UNIVERSITY

KORTENG V

MINDORO

PERO

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

TAMARAW

TAMARAW CONSERVATION PROGRAM

TAMARAW TIMES TWO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with