^

PSN Opinyon

Huwag balat-sibuyas

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SABI ng isang komentaryo sa TV, hindi raw dapat maging “balat-sibuyas”  si VP Jojo Binay  sa harap ng mga sangrekwang alegasyon laban sa kanya. Tama naman yan para sa akin. Para sa isang aspirante sa pagka-presidente, pihong may maghahalungkat  ng masasamang isyu laban kay Binay  kahit personal, moral hanggang sa legal na usapin. Pamumulitika man o hindi, hindi puwedeng sabi-hing ito’y mali at di na lang papansinin ng inaakusahan.

Sumabog ang malaking isyu sa umano’y 350 ektar-yang hacienda ni Vice President Jejomar Binay sa Rosario, Batangas.

Kung nagalit ang taumbayan kay PNP Chief Alan Purisima na inaakusahang nagkamal ng kayamanan habang nasa puwesto at lantarang niloloko ang publiko sa mga palusot nito, gayundin ang nadarama ng mamamayan kay VP Binay at iba pang kontrobersyal na opisyal ng gobyerno.

Inuupahan man ng mga Binay ang hacienda, kesyo nakadeklara sa kanyang SALN, hindi maiiwasang may mga taong maniniwala o magdududa sa kanyang reputasyon.

Sa mga hukuman, ang may responsibilidad na magpakita ng pruweba ay ang nag-aakusa.

Nakalulungkot pero sa tinatawag na court of public opinion, lalu’t patungkol sa unexplained-wealth, parang hindi iyan ang kalakaran. Ang inaakusahang opisyal mismo ang dapat nagpatunay na siya’y walang sala.

Kaya paulit-ulit kong binibigyang diin na dapat humarap sa Senado si Binay at magpaliwanag. Isang paliwanag na maiintindihan at paniniwalaan ng bayan. Si VP Binay ang mismong dapat magpahayag nito.

Iyan ang masakit na katotohanan na kung minsa’y dumaranas ang sino man ng trial by publicity, isang bagay na hindi puwedeng husgahan na masama. At iisa ang solusyon para maisalba ang mukha ng inaakusahan: Magpaliwanag siya. 

Ang patuloy niyang pagwawalang bahala sa usapin ay baka magpapalabo lamang sa tsansa niya na maging susunod na Pangulo ng bansa.

BATANGAS

BINAY

CHIEF ALAN PURISIMA

INUUPAHAN

ISANG

IYAN

JOJO BINAY

KAYA

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with