^

PSN Opinyon

Malayo pa ang lubos na tagumpay

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NOONG Martes, pinuntahan ng mga otoridad ng PCGG ang isang tahanan sa San Juan na pag-aari ng mga Marcos, at isinamsam ang ilang mga painting sa loob. Sa likod ng desisyon ng isang special court, nabili raw ang walong painting gamit ang nakaw na yaman mula sa bansa noong nasa kapangyarihan pa ang mga Marcos. Ang walong painting na pakay ng pagkumpiska ng PCGG ay pawang mga gawa ng “masters” tulad nina Pablo Picasso, Michaelangelo at Paul Gauguin na ubod nang mahal -- umaabot sa milyong dolyar.

May mga painting nga na nakuha sa loob ng tahanan, pero aalamin pa kung ang walong painting na hinahanap ay kabilang sa mga nakuha. Kapansin-pansin kaagad ang dalawang magkaparehong painting ng “Madonna and Child”, kaya may hinala na baka ang laman ng ta-hanan ay mga peke, o kung isa ay tunay at isa ay peke. May posibilidad na itinago ang mga tunay na painting sa iba’t ibang bahagi ng mundo para hindi makuha ng mga otoridad, at ang mga peke ay para linlangin lamang sila.

Noong isang taon, nagwagi ang gobyerno sa pamamagitan ng kasong isinampa ng New York State Court laban kay Vilma H. Bautista, ang dating social secretary ni Imelda Marcos, dahil sa kanyang pagbenta ng isa sa mga pinaghahanap na paintings ng gobyerno. Ibinenta ni Bautista sa tulong ng kanyang mga pamangkin ang painting ni Claude Monet sa halagang $32 milyong dolyar! Sinentensiyahan ng dalawa hanggang anim na taong pagkulong, pero inapela dahil sa kanyang umano’y masamang kalusugan. Ang pagbawi ng nasabing painting at tatlo pa ay kasalukuyang nakabinbin sa isang kasong sibil. Ang katwiran ay pag-aari kasi ng gobyerno ang mga paintings dahil nabili sa pamamagitan ng iiligal na yaman, kaya hindi bahagi ng personal na pag-aari ng mga Marcos.

Dalawampu’t walong taon na ang nakalipas nang itatag ang PCGG, na unang opisyal na utos ni Pangulong Corazon Aquino, para mabawi ang lahat na nakaw na yaman ng pamilyang Marcos. Base sa website ng PCGG, may P166.2 bilyon  na ang nabawi ng PCGG mula 1986 hanggang 2013. Pero mapupuna sa kanilang ginawang pagsasalarawan, P92.5 bilyong piso ang nabawi mula 1986-2009, habang P73.7 bilyong piso ang nabawi mula 2010-2013. Tatlong taon pa lang ang administrasyong Aquino, ganyan na ang nababawi ng PCGG, kumpara sa higit 23 taon sa ilalim ng nakaraang apat na pangulo.

May P30-P50 bilyon ang ipinaglalaban pa sa mga korte. Pero kung $10 bilyon ang umano’y nasamsam ng mga Marcos sa dalawang dekadang diktadura, marami pa ang kailangang gawin ng PCGG, malayo pa ang lubos na tagumpay. Tandaan na kailangan ring gumastos para lang mahabol ang lahat, kaya malaki rin ang mawawala sa gobyerno para lang mabawi. Iyan ba ang gustong bigyan ng “hero’s burial” si Marcos ng iba diyan?

 

BAUTISTA

CLAUDE MONET

IMELDA MARCOS

MADONNA AND CHILD

MARCOS

NEW YORK STATE COURT

PABLO PICASSO

PAINTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with