^

PSN Opinyon

Binay durog sa pagdinig sa Senado

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NABABAHALA ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na baka gayahin ng ilang opisyal ng gobierno sa Philippines my Philippines ang ginawang pang-iisnab ni Makati Mayor Junjun Binay sa tatlong Senador na miembro ng Senate Blue Ribbon Committee na kumakalkal sa diumano’y ‘overpricing’ sa Makati City carpark building 2.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang mga ibinabatong baho este mali akusasyon pala sa pamilyang Binay regarding this issue ito at marami pang nanganganak na bintang ng mga nag-aakusa sa kanila na dati nilang mga alipores.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dinedma lamang ni Mayor Junjun ang imbestigasyon dahil panggigipit lamang ang ginagawang imbestigasyon sa kanila ng kanyang erpat at ermat ng Blue Ribbon Committee.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagsalita si Mayor Junjun at binira rin nito para linawin at kuestiyunin ang jurisdiction ng sub-committee ang ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sabi nga, ano nga ba?

Ayon kay Mayor Junjun tinutulan este mali hinatulan pala sila agad kahit hindi pa tapos ang imbestigasyon?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil hindi duma­ting ang mga Binay sa ipinatawag na pagdinig ng Senado lalo silang ibinaon ng mga testigo para sila ilaglag sa mga nangyari noon sa Makati City.

‘May nagsabing walang nangyaring bidding simula noong 1996 up to 2003 sa lahat ng proyekto ni dating Makati Mayor at ngayon ay VP Jejomar Binay,’ sabi ni dating Ernesto Aspillaga na dating bossing ng general services dept, dating konsuhol este mali konsehal pala at naging memeber ng bids and awards committee noon sa temakats.

Sabi nga, moro - moro lang ang bidding?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maraming pang istorya si Asillaga pati noong panahon ng si Elenita Binay, asawa ni VP Jojo at dating naging Alkalde ng Makati City kung anu-ano ang gimik diumano nito pero hindi na nating ikukuento pa.

Ibinida rin ni Aspillaga kung magkanong pitsa ang ibinibigay sa kanya noon ni VP Binay kapag may nagawa siyang transaksyon?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

May isa nagsalita sa nangyaring subastahan blues noon sa “parking building,’ sa katauhan ni Alejandro Tengco, pinuno ng JBros Construction Corp. na hindi man lamang sila lumahok sa bidding process.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa hindi pagsipot ng mag-erpat na Binay sa Senado lalo silang nabaon sa mga akusasyon ibinabato sa kanila?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang katotohanan lahat ng paratang sa akin and family sinisiraan lamang si VP Jojo dahil tatakbo siya sa 2016 Presidential Election at baka ito pa ang manalo rito? Hehehe!

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ibinulgar din ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado, na may apat na lote P1 billion worth ang pag-aari ng mga Binay na diumano’y ipinangalan lamang sa isang “Erlinda Chong”. Si Chong ay asawa diumano ng kalaro ni VP Binay sa badminton.

Naku ha!

Ano ang connect?

Ikinanta ni Mercado, ginamit lang daw ang name ni Chong nang ibenta ang isang lote na may sukat na 3,700 metro kuadrado sa Mormon Church.

Sinabi rin ni Mercado, may mga dummy umanong ginamit si VP Binay para pagtakpan ang mga ginawa nito sa temakats kasama todits ang OMNI Security and Ge­neral Services, JCB Company echetera.

Ayon sa pagdinig ginamit diumanong ‘dummy’ ang isang Jose Orillaza, na umamin na business pakner niya si VP Jojo sa Omni Security and General Services na may repolyo este mali monopolyo sa pagbibigay ng mga guardia sibil at janitors sa Makati City Hall at sa iba pang places sa temakats.

Idinagdag ni Mercado, isa pang sinasabing kumpanya ni VP Binay ay ang New Meriras Development Corporation na nagmamay-ari ng 8,877 square meters na lupa sa Makati na dating pag-aari ng gobyerno na pinamamahalaan ng 525th Army Engineering Battalion pero ang titulo diumano ng lupang ito ay nailipat sa New Meriras Development Corporation.

‘Kakapusin ang kolum ng Chief Kuwago.’

Abangan.

Si Mandaluyong Councilor Atty. Ayla Alim

ISANG malaking karangalan para sa madlang people ng Philippines my Philippines ang ipinakita ni Councilor Ayla Alim, matapos itong ihirang para magtalumpati sa valedictory address para sa Graduate Research Institute for Policy Studies sa Tokyo, Japan.                                             

Si Alim ang kauna-unahan pinoy na nagtalumpati sa nasabing okasyon tinanggap din nito ang prestihiyusong “Young Leaders Program’ ng GRIPS.

Ayon kay Alim, bagama’t malaking hamon ang korapsyon sa pamahalaan, ang pag-gawa ng kabutihan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng wagas na intensyon na maglingkod sa madlang people ay mainam na sangkap ng pagbabago.

Ito ay naaayon sa kanyang talumpati na pinamagatang, “Be the Leader that you want to follow.’

Si Alim, ang pinakabatang konsehala sa kasaysayan ng Mandaluyong at isang Lawyer. Sa kasalukuyan,  siya ay patuloy na nagsisilbi sa kanyang tanggapan sa Mandaluyong matapos niyang makamit ang kanyang degree na Master in Public Policy sa Tokyo.

Sabi nga, Congratulations!

 

AYON

BINAY

JOJO

MAKATI CITY

MAYOR JUNJUN

NAKU

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with