^

PSN Opinyon

Kongreso, bubuwagin ni Duterte

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang bubuwagin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte  ang Kongreso kapag siya ang naging presidente ng Pilipinas?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay DOLE Usec. Akong Lagunzad, OWWA Admin. Becky Calzado, Judith Ileto, Tess Bernales, Bro. Arnold Garcia, Bro. Butch Dumlao, Mommy Gin Diestro, Joyce Taruc at Grace Vera Sansano ng DZRH.

Alam n’yo bang may mga binabalak din palang gawin si Duterte kung sakaling siya ang maging presidente.

Nang makakuwentuhan ko si Duterte sa silver anniversary ng Toyota Alabang noong Setyembre 15, sinabi nitong wala siyang planong kumandidato sa presidential elections sa 2016. Marami ang nag-uudyok sa kanyang tumakbo pero wala raw ito sa plano niya ngayon. Gusto na nga niyang magpahinga pagkatapos ng kanyang term bilang mayor ng Davao.

Pero ang nakapagtataka, habang kalagitnaan ng aming kuwentuhan, inilahad niya ang plano kung “by destiny” ay maging presidente siya. Ayon kay Duterte, ang una niyang gagawin ay hihilingin daw niya sa taum­bayan na payagan siyang magtatag ng isang revo­lutionary government upang magawa ang gusto niyang reporma sa bansa.

Pangalawa, bubuwagin niya ang Kongreso sapagkat magugulo umano ang ating mga mambabatas. Nasira na umano ang Kongreso dahil sa pagkakadawit nila sa mga anomalya sa PDAF at DAP.

Pangatlo, aalisin niyang lahat ang police generals. Masyado na umanong marami ang mga heneral sa PNP at sa katunayan, mas marami pa ang heneral sa PNP kaysa sa AFP.

At ayon sa aking bubwit, kakandidato lamang si Duterte na presidente kung susuportahan siya ni P-Noy.

AKONG LAGUNZAD

ARNOLD GARCIA

AYON

BECKY CALZADO

BUTCH DUMLAO

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

GRACE VERA SANSANO

KONGRESO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with