Problema noon naayos ngayon ni bagyong Mario
SUPER lalim ang naranasan baha sa iba’t ibang places sa Metro Manila partikular doon sa mga mabababang lugar at iba pang provinces sa Philippines my Philippines kaya naman libu-libong madlang people ang naapektuhan ng bagyong si Mario at ang hatak-hatak nitong hangin habagat na lalong nagpalakas ng buhos ng rain drops, yesterday early warning device este mali morning pala.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pero malaking tulong naman ang nagawa nang magdamagan at halos maghapon na ulan yesterday dahil ang mga dam ay nagkaroon ng tubig at malamang hindi na kabahan ang madlang people oras na pumasok next year ang El Niño porke maraming tubig ang naipon sa ngayon.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naging maagap ang gobierno at mga alipores nito lalo na ang media sa pagbibigay ng mga babala kung ano ang gagawin oras na nagkaroon ng hindi birong ulan katulad ng paulit-ulit na paalala na ibinibigay nila tulad halimbawa kung ‘red warning’ ito ay yong walang humpay na pag-ulan sa loob ng isang oras at susunod pang dalawang oras ang advise ay ‘lumikas’ sa kanilang lugar kung mababa ito.
‘Orange warning’ matindi ang ulan sa loob ng isang oras at sa susunod pang dalawang oras kaya ang advice ay maging alerto.
And lastly, ‘yellow warning’ malakas ang ulan sa loob ng isang oras at sa susunod na dalawang oras kaya ang advise ay mag-monitor.
Yesterday dakong 2:15am , nagpakawala pala ng tubig ang Ipo dam sa Bulacan dahil nga tumataas ang ‘water level’ todits.
Sabi nga, dalawang gate ang binuksan para magbawas ng tubig inabot ng halos 153 cubic meters per second ang pinalayang este mali pinakawalang tubig dito.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nangangamba ang madlang people malapit sa lugar ng Norzagaray, Angat, San Rafael, bastos este Bustos pala Plaridel, Baliuag at Pulilan na posibleng magbaha sa kanila.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung nagpakawala na rin ng tubig ang Magat Dam dyan sa Isabela habang sinusulat ito ng Chief Kuwago hindi rin kasi biro ang lakas ng ulan doon.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung umapaw ang pinaguusapan natin dam affected todits ang madlang people sa Gamu, Naguilian, San Mateo, Aurora, Luna Reina Mercedes, Burgos, San Mateo, Cabatuan at Ramon dyan sa Isabela.
Ang Bustos dam, ay nagpakawala rin ng tubig kaya apektado ang madlang public nakatira sa malapit na lugar.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, umapaw ang tubig sa La Mesa Dam, sa Quezon City dahil sa tindi ng ulan naging maagap ang mga bright dito kaya naman madaling araw pa lamang yesterday ay sinabihan na ang madlang people nakatirik sa gilid ng Tullahan River na daraanan ng tubig from the dam at iba pang lugar sa Quezon City ang Fairview, Forest Hills Subd., Quirino Highway, Goodwill Homes, Brgy. Capri, Brgy. Sta. Quiteria at Brgy. San Bartolome, Valenzuela City at Malabon City bago ito lumabas sa Manila Bay.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga international flight from China, Hong Kong, Taipei at Singapore ang dapat sana lumapag sa NAIA ang pina-divert sa Clark at Cebu airport dahil nga sa sama ng panahon.
May 70 domestic flight yesterday ang kinansela pero maaga pa ay nagbigay na ng abiso sa madlang flyer si Connie Bungad, tagabola este mali tagapag-salita pala ng Manila International Airport Authority ang tungkol sa hindi paglipad ng iba’t ibang domestic aircraft patungong provinces sa Philippines my Philippines.
‘Kamote, ingat kayo sa ulan at baha para hindi kayo magkasakit o madisgrasia.’ sabi ng kuwagong swimmer.
Abangan.
* * *
Laong-Laan Lodge 185
MASAYA ang naging fund raising ng ika-3rd Laong Laan Lodge 185 ng Free and Accepted Masons of the Philippines my Philippines golf tournament na ginawa last Thursday morning dyan sa Philippine Navy Golf Course.
Kaya naman nagpapasalamat si Worshipful Master Blas Tuliao and the brethren sa mga ‘sponsor’ na nabola nila este mali nagbigay pala ng kaunti para sa kanilang fund raising.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inabot ng 11pm ang kanilang fellowship bago nag-uwian ang mga ito dahil sa tindi ng trapik last Thursday night.
Sabi nga, walang madaanan dahil barado sa mga sasakyan ang mga kalye.
Ika nga, sobrang traffic!
‘Mga Kuyang ng Laong Laan Lodge 185, Mabuhay kayong lahat!’ sabi ng Chief Kuwago.
- Latest