^

PSN Opinyon

‘Ang babaeng sinilid sa drum’ (Ruby Rose Barrameda Murder) (Ika-apat na bahagi)

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

‘Ang babaeng sinilid sa drum’ (Ruby Rose Barrameda Murder) (Ikatlong bahagi)

“DAHIL pinaubaya na sa akin ng boss ko na si LOPE JIMENEZ ang lahat ukol sa pagpatay kay RUBY ROSE, nilapitan ko ang nasabing sasakyan at akin itong binuksan…” ---salaysay ni Montero

Sa pagpapatuloy ng seryeng ito, tungkol sa brutal na pagpatay kay Ruby Rose Barrameda-Jimenez…tumambad kay Montero ang babae na nakapiring, naka-posas ang mga kamay,  nakatali ang mga paa at may busal sa bibig. Nakasuot ito ng stripe na t-shirt-- may kumbinasyon ng kulay brown, beige at black.

Kinausap  daw niya si Obet na luwagan ang nakataling tape sa bibig nito at tanggalin ang busal. “Saglit ko na nakausap ang nasabing babae na walang iba kundi si Ruby Rose Jimenez,” ---sabi ni Montero sa kanyang salaysay.

Tinanong niya si Ruby kung bakit kailangang humantong pa sa ganito? “Hindi ko po alam kuya, wala po akong alam na kasalanan,” sagot daw nito.

Ipinabalik niya ang busal nito. Sigurado raw siyang si Ruby yun dahil matagal na niya itong kilala bilang dating asawa ni Manuel Jimenez III o “Third”.

Inabot si Ruby hanggang gabi sa loob ng sasakyan na nakaparada lang. Nakita niyang sinakal si Ruby ng lubid ni Spyke---dating pulis ng Limay, Bataan. Inilagay nila Eric, Obet at Spyke ang bangkay sa loob ng drum at sinemento.

“Pagkatapos ay nilagyan na namin ang drum ng semento na noon ay nakalagay na rin sa pinagawa ko na steel box na kasyang-kasya lang ang nasabing drum. Pagkatapos ay winelding ko ang nasabing steel box kung saan nakapaloob ang drum upang hindi kumatas ang bangkay,”---ayon kay Montero.               

Bandang 12:00 PM parehong petsa, isinakay nila  sa ‘telescopic truck’ na may built-in na crane ang steel box kung nasaan si Ruby.  Dinala ito sa loob ng Navotas Fishport sa Pier 2.  Isinakay sa isang tug boat at dinala sa laot.

Labing limang minuto rin ang itinakbo nila mula Pier 2 hanggang sa pinag­hulugan na nasasakupan pa rin ng Navotas. Pagkatapos nito bumalik sila sa BSJ Compound, 3:00 AM ng March 15, 2007. Tumawag sa  kanya si Lope Jimenez at may tinanong kung nagawa na ba niya? Sumagot naman siyang  “okay na” at muli ay sumagot siya ng “Sige, bukas na uli.”

Nagkita silang muli kinabukasan, sa conference room ng BSJ compound. Nandun sina Lope Jimenez, Obet, Eric at Spyke. Kinausap umano siya sa cellphone ni  Atty. Manuel Jimenez II at pinasalamatan siya. Binigyan umano ni Lope Jimenez ng tig Php 50,000 sina Obet, Eric at Spyke na ayon umano kay LOPE ay galing sa kanyang kapatid na si Manuel bilang kabayaran at umalis na sila. Samantalang naiwan siya sa opisina at nagpatuloy sa trabaho.

Hindi raw siya tumanggap ng pera, “…sa kanya ako nagtatrabaho at hindi po ako tumatanggap ng pabuya sa kanya,”—ayon pa kay Montero.

Sinunog daw nila sa loob ng BSJ Compound ang mga personal na gamit na nakita nila bago patayin si Ruby. Kabilang ang bank book, plane ticket, passport, credit cards. Ang kotseng gamit ni Ruby ng araw na yun pinagtulung-tulungan nila nina Obet, Eric, Spyke, at Eddie Abiog na chop-chopin, sinunog at pagkatapos sinama ito sa mga scrap materials na ibinenta tatlong araw makalipas.

Sobrang takot umano ang dahilan ni Montero kung bakit siya nag-resign sa kumpanya. May nalaman pa umano siyang pinapatay ng magkapatid na Atty. Jimenez at Lope. “Sina Orsolino, Idic, Junior, Melvin at isa pa niyang kasama.” “Si Orsolino po ay pinatay noong May 16, 2000, si Idio pinatay nung July 30, 2006, si Junior noong November 12, 2006 at si Melvin at ang kanyang kasama ay pinatay noong July 31, 2006,” mga salaysay ni Montero.

Buwan ng Desyembre 2007 nung nagpaalam kay Lope na mag-resign.  Sinabihan siya ni Lope na pagbigyan siya ng tatlong araw para maiayos muna ang pagsasalin ng mga dokumento at iba pang bagay at taong papalit sa kanya.

“Sumagot po ako ng opo, sinabi ko rin na gagawin ko ang turn over sa iiwanan kong trabaho sa pinakasimple at mabilis na paraan. Pero nang gabi rin pong iyon ay umalis din kami ng aking pamilya dahil natatakot po ako na baka ipapatay na rin ako kinabukasan…” sabi ni Montero.

Ika-11 ng Hunyo 2009, ng magbigay ng Karagdagang Salaysay si Montero kay SPO1 Romulo Endaya, sa loob ng RPIOU, NCRPO, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City sa harap ni SPO1 Bonifacio Capuz at ng kanyang abogado na si Atty. Jay Francis Baltazar:

Pagkarating nina Eric, Spyke at Obet kasama si Ruby sa compound umakyat sila sa conference room at doon ay pinagalitan sila ni Lope Jimenez at sinabi sa kanila na “Nagagalit si Koya dahil nagkaroon ng commotion dahil sa pagkakatakbo sa loob ng bahay ni Ruby Rose”. Sinabi raw ni Spyke na habang sila nina Obet at Eric ay nasa bahay nina Atty. Manuel Jimenez II sa BF, Las Piñas dumating si Ruby Rose doon at sinabi sa kanila ni Atty. Manuel Jimenez II na “Ayan na” kaya niyapos si Ruby Rose ni Obet pero nakawala ito at nagsisigaw. Nagkaroon ng ‘commotion’ sa bahay kaya dinumog na si Ruby Rose nina Eric at Obet, at Spyke at tinalian ng tape sa kanyang kamay at paa.

Ang tinutukoy umano na “Koya” ni Lope ay si Atty. Jimenez dahil dalawa lang naman daw silang magkapatid na lalaki.

Sa karagdagang salaysay tinukoy ni Montero ang mga tao na kasama umano sa pagpatay. Si Obet, ang namamahala sa pagdidiskarga ng krudo, siya ang nagbabantay sa pagwi-withdraw ng krudo ng mga trak at byahe ng trak ng BSJ ng Pier 2. Si Eric naman personal driver ni Lope at kapalitan niya si Cesar Licot.

Si Spyke raw ang dating security niya subalit kapag wala siyang lakad ay na kay Lope raw siya nagbabantay. Tinalaga raw si Spyke sa pamangkin ni Lope na si Manuel Jimenez III o “Third” bilang body guard simula nung Enero 2007 hanggang pagdinig nila sa Custody Case.

Bihira na raw siya pumunta sa opisina at pumupunta na lang pagsweldo at ‘pag  galing siya sa Bataan para muli siyang ihatid sa bahay ni Third sa Las Piñas.

Matapos ang pagpatay at pagbigay ng pera kina Spyke nagpaalam siya na uuwi ng Limay kinabukasan. Bago umalis may tinawagang sa cellphone si Spyke. Narinig daw niyang sinabi, “Sir, uuwi muna ko sa Bataan para maghatid ng pera. Nagawa na po namin pinatrabaho ninyo, kagabi lang, ayos na po ang problema niyo, naitapon na rin po namin Sir. Sir, salamat po. Pero saka na lang po pagbalik ko, uuwi po muna ako ng Bataan para maghatid ng pera.”

SINO ang ‘Sir’ na kausap ni Spyke sa cellphone? ABANGAN ang iba pang isiniwalat nitong si Montero sa kanyang malayang Sinumpaang Salaysay at ang iba pang mga detalye sa MIYERKULES.  EKSKLUSIBO dito lang sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON. SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landline 6387285 / 7104038. O mag-message sa www.facebook.com/tonycalvento

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

vuukle comment

JIMENEZ

LOPE

MANUEL JIMENEZ

MONTERO

OBET

RUBY

SIYA

SPYKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with