^

PSN Opinyon

Hulidap pala

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

LUMALABAS na “hulidap” ang naganap na panunutok ng ilang armadong lalaki sa isang sasakyan sa EDSA noong Setyembre 1. Hindi malaman kung ano ang talagang naganap, hanggang sa nakita ang mga plaka at conduction sticker ng mga nakunang sasakyan. Pag-aari pala ng pulis ang Toyota Hi-Ace at pag-aari naman ng dating pulis na sinibak na ang Honda Civic. Nalaman din na sa La Loma Station 1 naka-destino ang mga pulis. Nang magtungo sa Station 1, inabot nila si Chief Inspector Joseph De Vera. Noong una ay itinanggi na sangkot siya sa insidente, pero nang ipakita sa kanya ang lahat ng litrato at video, sinubukan pang magpaliwanag. Hinahanap na ang iba pang mga pulis na sangkot sa naganap na “hulidap” dahil hindi na sila pumasok sa trabaho mula Lunes.

Nahikayat na rin ang mga biktimang magsalita kung ano talaga ang nangyari. Nakita rin kasi ng isang testigo ang plaka ng puting Fortuner na hinarang. Patungo pala sila sa Mall of Asia para magbayad ng mga bibilhing kagamitan. May dalang dalawang milyong piso. Kung paano nalaman ng mga pulis na may dalang pera ay iniimbistigahan na rin. Sinasabing lehitimong operasyon daw laban sa iligal na droga. Ito matapos ipakita ang mga nakunang larawan. Pero dahil walang maipakitang mga dokumento at walang koordinasyon sa PDEA, nabuko sila. Dalawa na ang hawak ng PNP. Kaya naaalarma naman ang publiko dahil mga aktibong pulis ang sangkot sa krimen. Ang isa ay sinibak na noong 2006. Hindi ko huhusgahan ang buong PNP at nalulungkot at nagagalit ang pamunuan sa ginagawa ng iilan na nakakasira sa kanilang imahe at reputasyon. Pero paano naman malalaman ng mamamayan kung sino ang tapat na pulis at kung sino ang tinatawag na scalawags? At hindi lang mga bagito na pulis kundi mga chief inspector at senior inspector pa! Paano sila tumagal sa PNP na ganyan ang itinatagong karakter? Mas delikadong kriminal ang mga ito dahil nagagamit nila ang kanilang posisyon at tanggapan para gumanap ng krimen. Ano ang laban ng ordinaryong mamamayan sa ganitong klaseng kriminal?

At sinabi ko noon na ang mga nasisibak na pulis dahil sa kanilang pagkakasangkot sa ilang mga krimen ay kadalasn nagiging full-time na kriminal na rin, at may mga kaibigan pang aktibong pulis sa PNP. Ganito na nga ang naganap sa insidenteng ito sa EDSA. Sinibak na noon si Marco Polo Estrera, dating Chief Inspector. Ngayon, kasama pa ang mga kasanggang gumaganap ng krimen. Ito ang dapat bantayan rin ng PNP. Bantayan ang mga sinibak nang pulis. Dito nakitang nagtagumpay ang pagiging mapagbantay ng mamamayan. Kung hindi nakunan ang insidente, malamang nakalusot na ang mga sangkot at hindi na rin nagsalita ang mga biktima dahil mga aktibong pulis nga ang mga kawatan. Dapat lahat tayo may dalang camera na. Ano nga pala ang nangyari sa mga biniling camera ng MMDA noong panahon ni Bayani Fernando na gagamitin dapat sa non-apprehension policy nila? Bakit hindi na lang ipagamit sa mga MMDA para nakukunan ang mga ganitong klaseng pangyayari sa lansangan?

ANO

BAYANI FERNANDO

CHIEF INSPECTOR

CHIEF INSPECTOR JOSEPH DE VERA

HONDA CIVIC

LA LOMA STATION

PULIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with