Pauwiin lahat nang DH
HUMIGIT-KUMULANG mayroong tatlong milyong domestic helpers (DH) ang nagtatrabaho sa ibayong-dagat. Iilan sa kanila ang tinatrato naman nang tama pero karamihan, minamaltrato tulad ng rape and other sexual molestations, physical and verbal abuse, no rest days, underpayment, overwork at iba pang uri ng pang-aabuso.
Bagama’t mahigpit na ipinag-uutos ng POEA na ang sahod nila ay at least $400 a month, maraming amo ang hindi tumutupad at ang ipinasusuweldo lamang sa DH ay $150 o $200 a month. Wala pa itong P10,000 a month.
Karamihan sa mga kababayan nating DH ay tinitiis na lamang ang sitwasyon. Ang iba naman ay tumatakas patungo sa mga embahada natin.
Dahil ganoon din lang naman kaliit ang kinikita nila, mas mabuti pa ay pauwiin na sila sa Pilipinas.
Ang DILG ay may budget na P20.3 billion para sa mga anti-poverty alleviation projects kuno ng mga local government units. Pero kung ’yan ay gagamitin lamang sa pagpapagawa ng basketball courts, barangay centers, pagre-repair ng mga lubak-lubak na mga kalye, tiyak na pupunta lang sa mga kickback ang halos kalahati ng bilyong pisong budget.
Ang mungkahi ko, ilagay na lang ang halagang ’yan sa Emergency Employment Fund at bawat mamamayan ng isang probinsya o lungsod o munisipalidad na nagtatrabaho sa kasalukuyan bilang DH sa ibang bansa ay alukin ng trabaho bilang street sweepers at bigyan ng sahod na hindi bababa sa P15,000 a month.
Maliban sa kapiling pa nila ang kanilang pamilya at hindi na nanganganib na abusuhin, mas malaki pa ang kikitain nila.
- Latest