3rd Laong - Laan Lodge 185 golf tournament
ON Thursday next week Sept. 18, 2014, gagawin ang ika - 3rd Laong Laan Lodge 185 golf tournament sa Philippine Navy Golf Course dakong alas - 7am kaya naman inaasahan ang mga gustong maglarong Kuyang na magtungo na lamang dito.
Sabi nga, enjoy the golf and the fellowship!
Si WB Blas Tuliao at Lodge Secretary Bro. Ernie Ligon ang may palaro para sa mga kuyang kaya huwag ninyong kalimutan ito.
Ika nga, hindi birong fellowship ang mangyayari kapag natapos ang laro.
Abangan.
* * *
Pinoy drug mule dumarami
HINDI birong problema ang ibinibigay ng ilang pinoy drug mule sa gobierno ng Philippines my Philippines dahil sa pakikipagsabwatan sa mga drug syndicate kapalit ng malaking halaga ng salapi.
Kaya tuloy ang gobierno sa Philippines my Philippines ay gumagawa ng paraan upang matulungan ang mga Kamoteng ito sa tiyak na kamatayan dahil may ilang lugar sa mundo na ang droga ay punishable by death!
Ang masama gumagastos pa ng malaking halaga ng kuwarta ang pamahalaan para lamang iligtas ang buhay ng mga kamoteng drug mule.
Siguro panahon na para ihinto na ng gobierno ang pagbibigay ng tulong sa mga ito dahil ang mga drug mule ang humahanap ng sakit ng kanilang katawan o kamatayan dahil lamang sa pakikipagsabwatan sa mga international drug syndicate.
Ang masama nito ang Philippines my Philippines ang gumagastos para sa kanila imbes na itulong na lamang ito sa mga mahihirap na madlang pinoy ay sa ibang nasyon pa napupunta ang salapi para makalaya ang mga kamote.
Kung ang mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatanungin siguro panahon na para itigil ang pagbibigay ng assistance sa mga nahuling drug mule para matuto ang mga lintek na ito.
* * *
Traffic sa Metro - Manila
WALA na yatang katapusan ang traffic na nararanasan ng madlang people sa Metro - Manila parang kakambal na nila ito sa katawan.
‘ano kaya ang pinakamagaling para maibsan ang traffic sa Metro - Manila ?’ tanong ng kuwagong si Kuyang Ernie.
‘siguro political will ang kailangan’.
‘Paano kaya ito?’
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas maganda siguro kung by brand ng mga sasakyan ipagbabawal ng gobierno para makalabas ito hindi na siguro kailangan ang color coding dito kundi ang tatak ng sasakyan ang dapat ipagbawal? Hehehe!
“Paano iyong?’
Sagot - kapag Lunes dapat lahat ng Toyota brand ay ibawal sa kalye mapa-taxi, kotse, truck, trailer echetera. Martes - Nissan, Mierkoles - Mitsubishi, Huwebes - Hyundai at Kia, Biernes - Honda at mga european cars.
Tiyak ang kalye ay luluwag pero may color coding pa rin dapat ipairal ito ay para mga dambuhalang bus at jeepney.
Abangan.
- Latest