Thank you, Vic Lima
YESTERDAY, lunch, nagkita kami ni Pareng Vic Lima sa isang resto dyan sa Kyusi nagkamustahan kami dahil matagal-tagal na rin kaming hindi nagkita.
Ang pinakahuling pagsasama namin ni Pareng Vic ay noon naglalaro pa kami ng basketball na sponsor ng National Press Club kaya mantakin mo ang tagal na.
Sabi nga, nagtatakbuhan pa kami noon. Hehehe!
Bago umalis ang Chief Kuwago ay kumuha ng calling card niya si Pareng Vic at inabot sa akin pagkatapos ay binigyan niya ako ng isang ‘ballpen’ siempre sumusulat with matching flashlight at stylus.
Sabi niya, maganda iyan Pare!
Kaya tuloy natutuwa tayo kay Pareng Vic kasi up to now ay galante pa rin ito basta sa kaibigan.
Mabuhay ka, Pareng Vic Lima. God Bless!
Si P02 Alipio at ang mga pinatay nito
NAKIKIRAMAY ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga pamilya ng mga teacher na namatay ng mag-ala ‘Rambo’ ang isang pulis na naka-full battle gear para lamang maningil sa utang ng mga pinatay nito last Monday afternoon sa Pangasinan National High School.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang eskuelahan ay isang mapayapa at ligtas na lugar hindi lang para sa mga guro, kundi pati sa mga estudiante at mga empleado todits kaya nagtataka tayo kung bakit nagwala ang isang pulis dito sa walang kalaban-laban na pinagbabaril nito dahil lamang sa katiting na salapi na pautang niya.
Si PO2 Domino Alipio, kasapi ng Anda Pangasinan Police ay naghihimas nang rehas sa kasalukuyan.
Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit walang ginagawa ang eskuelahan kada gumagapang ang alupihan este mali si Alipio pala sa Pangasinan High School para maningil ng pautang niya sa mga guro doon dahil binubulyawan diumano ang mga ito oras na dehins sila nagkapagbigay sa kalakaran pinagkasunduan nila.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naka-soft drinks este short pants pa pala ito kung magpunta sa skol bitbit ang kanyang boga, armalite at granda para maningil doon pero kung alaws pang money ang kanyang mga sinisingil pinagagalitan niya ang mga ‘pobreng alindahaw.’
Sabi nga, hoy magbayad kayo?
Awang-awa ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga teacher sa Philippines my Philippines dahil sa liit ng sahod nila sa mga pautang o 5-6 sila tumatakbo para lang mabuhay ang kanilang pamilya alam naman ng madlang people na parang ‘supersonic’ kung bumulusok pataas ang mga presyo ng mga bilihin ngayon kaya tuloy ang karamihan sa kanila ay hirap na hirap sa pagba-budget ng kanilang kakarampot na sueldo.
Sabi nga, kawawa naman!
“Bakit ba pinapalagan ng gobierno na itaas ang sahod ng mga guro?’ tanong ng kuwagong nilinglang.
‘Ano ba talaga ang dahilan?’
Kambiyo issue, hindi ba alam ng madlang people na bawal sa mga pulis ang mag-business ng pautang?
Ika nga, monkey business ito?
‘Hindi na rin natin masisisi si Alipio ngayon dahil hindi na nito maaring maibalik pa ang mga buhay ng kanyang mga binoga.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.
‘Paano kaya nakapasa sa ‘neuro test’ si Alipio?’ tanong ng kuwagong taga - mental.
‘Iyang ang itanong ninyo sa Crame?’
‘Nagbabayad kaya si Alipio sa BIR dahil may extra income ito?’ tanong ng kuwagong urot.
Ika nga, pautang!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inarmalyt ni Alipio ang mga teacher, kolektor niya at iba pang nadamay sa galit niya. May bitbit pa siyang granada ng pumasok sa eskuelahan.
‘Para manakot ?’
‘Hindi para pumatay.’
‘Ano ang dapat gawin kay Alipio ?’ tanong ng kuwagong sintu-sinto.
‘Kung anong kaso ang isasampa laban dito ng korte ang hahatol sa kanya!’
Abangan.
Pinoy drug mules
DALAWANG nilalang ni Lord ang sumabit sa Vietnam dahil sa kasong illegal ‘drug trafficking’ kaya tuloy ang ibinabang hatol ay ‘kamatayan !’
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iaapela ng DFA ang kaso ng dalawang papatayin bibigyan sila ng legal assistance para magkaroon ng pagbabago sa case problem nila.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may 805 noypi ang may drug cases sa buong mundo na nakakulong sa iba’t-ibang country.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Vietnam lamang ay may 81 noypi ang nasa death row at ang 45 sa kanila ay sabit sa droga.
Abangan.
- Latest