^

PSN Opinyon

Pergalan

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

DAPAT ipawasak ni Batangas Gov. Vilma Santos ang mga drop ball at color games sa mga peryahan ni Tessie Rosales, ang Reyna ng mga pergalan, sa Calabarzon area para hindi madungisan ang pangalan niya. Ikinakalat kasi ni Tessie na kumare niya si Vi kaya hindi makakilos ang pulisya para sawatain ang illegal niyang negosyo. Si Vi ay gino-groom na tumakbo sa mataas na posisyon sa 2016 elections at ang pagmamayabang ni Tessie ay hindi magdudulot ng maganda sa hangarin ng mga supporters niya, di ba Sen. Ralph Recto Sir? Hindi na dapat magpaligoy-ligoy pa si Vi laban sa peryahan ni Tessie at baka maakusahan pa siya na nakikinabang sa illegal na negosyo nito. Para patunayan na malakas siya kay Vi, ang lahat palang pergalan sa Batangas ay si Tessie ang may-ari.

Naghahasik talaga ng kasamaan si Tessie sa Batangas at wala siyang keber kung tumaas ang kriminalidad sa probinsiya basta kumita lang siya. Ang pinakamalakas na puwesto ni Tessie, na kung tawagin ay puesto piho ay matatagpuan sa tabi ng Andok’s sa Batangas City. Ang iba pa ay nasa Bgy. San Luis sa Lipa City; Bgy. Quiapo sa Tanauan; sa Padre Garcia, Rosario at Mataas na Kahoy. Sa Bgy. Darasa sa Tanauan City naman ang kay Baby Panganiban, ang presidente ng association ng mga pergalan sa Calabarzon. Siyempre, malaki ang parating ni Tessie at Baby kay Sr. Supt. Omega Jireh Fidel, ang provincial director ng PNP sa Batangas kaya hindi nito magalaw ang mga pergalan sa area niya. O dili kaya’y takot si Fidel kay Vi? May malaking utang na loob itong si Fidel kay Vi dahil sa pagpili nito sa kanya bilang PD ng Batangas.

Hindi lang sa Batangas may puwesto si Tessie kundi ma-ging ang puesto piho sa palengke ng Silang sa Cavite ay siya rin ang financier. Sa Cavite pa rin, ang kay Emily naman ay sa tabi ng Jollibee sa boundary ng Bacoor at Zapote; kay Jessica naman ang sa Bgy. Milagrosa sa Carmona; at ang kay Baby uli sa GMA na ang bakas ay si Jayson. Di naman makakilos si Cavite PD Sr. Supt. Joselito Esquivel laban sa mga pergalan na ito na iniikutan ng bagman niyang sina SPO4 Marlon Garcia at alyas Landong Bulag. Kung sabagay, hindi lang sina Fidel at Esquivel ang dapat sisihin sa mga pergalan sa Batangas at Cavite kundi maging ang mga chief of police ng mga bayan at siyudad, na sa tingin ng mga suki ko, ay nakabilad din ang palad sa financiers nito. Abangan!

BABY PANGANIBAN

BATANGAS

BATANGAS CITY

BATANGAS GOV

BGY

CAVITE

KAY

SR. SUPT

TESSIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with