Opisyal ng gov’t bank kilabot ng mga morena
ALAM n’yo bang binansagang kilabot ng mga morena ang mataas na opisyal ng isang government bank?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Justice Secretary Leila de Lima, Mayor Boyet Agatep ng Lasam, Cagayan, Mr. Jun Nicdao ng Manila Broadcasting Co., Papa Joe Caparas, Helen Remigio ng California, USA at Franklin Lim ng Toyota Quezon Avenue, QC..
Alam n’yo bang kinatatakutan ngayon ng mga bata at morenang empleada ang isa nilang opisyal na may pagka-manyakis?
Ayon sa aking bubwit, may mga emple-yada nang umiyak dahil sa kabastusan ng opisyal na ito. Kung may matipuhan kasing empleada si Bossing lalo na ang mga ba-tambatang morenang empleada, ito ay ipatatawag sa kanyang opisina kahit wala namang ipinagagawa.
Kapag nandun na sa kanyang kuwarto ang magandang empleada, ito ay kinakausap at kung anu-ano na lamang ang tinatanong. At habang nag-uusap, nilalaro ni Sir ang kanyang “Barangay Chairman”.
Nasi-shock na lamang ang mga biktima ni Sir at ‘yung iba ay umiiyak na lang dahil hindi nila akalaing magagawa ito ng opisyal. Inireklamo na ng mga empleada sa pre-sidente ng banko ang manyakis na opisyal subalit wala namang aksiyon ang top ma-nagement.
Dahil wala namang nangyayari sa reklamo laban sa manyakis na opisyal. Gumawa na lamang ng white paper ang mga empleado at ipinakalat sa buong building ng banko.
Ayon sa aking bubwit, ang manyakis na opisyal ng government bank ay may ranggong Senior Asst. Vice President.
- Latest