Paging DepEd
MAYROON akong FaceBook friend na isang public school teacher na sapul pa noong 2012 ay umakda ng dalawang aklat kung papaano matuto ng pagbabasa sa loob lamang ng dalawa hanggang dalawampung araw.
Simula pa noong taong yaon ay nagpanukala na siya sa mga awtoridad natin sa edukasyon tungkol sa kanyang magandang programa na alam kong malaki ang maitutulong sa pagpapayabong ng edukasyon sa ating bansa. Ang Pangalan niya ay Daisy Nime na nagtuturo sa San Antonio Elementary School sa Parañaque City.
Ganito ang bahagi ng kanyang private message sa akin na gusto kong tunghan:
Sir, way back 2012, and even until now and as i see my future, i believe there’s something i could do to help giving quality education to our country and countrymen. Sir, i don’t boast of anything. As i can see things, that’s the purpose of my living.
Sir, what a great opportunity and privilege to bring out to you my voice and desire to be a “HELP”. i believe many out there would be willing to work with me hand and hand... (if none) i still firmly stand!
Sir, sa lahat po ng bumubuo ng iyong mga kawani, at maging sa inyo po, I’m hoping for your positive response! Thanks po!
Sabi ko sa kanya, munting tinig lang tayo bilang mamahayag at kolumnista pero sisikapin nating matawagan ng pansin ang Department of Education (DepEd) sa pamumuno ni Sec. Armin Luistro. Daing kasi ni Daisy, bakit daw may mga taong ibig makatulong sa pamahalaan pero hindi sila pinag-uukulan ng pansin.
Aniya handa siyang maglaan ng libreng serbisyong pang-Edukasyon dahil sa pagbaba ng pagbaba ng kalidad ng ating Edukasyon sa mga public schools. “Sir, pakinggan nyo po sana ang aking hinaing at pangarap na makatulong sa ating bansa” dugtong ni Daisy.
Baka mapuna ng DepEd ang kolum nating ito at kung interesado silang makaugnay si Daisy, narito ang kanyang email: [email protected]
Tinanong ko siya kung available na sa mga bookstores ang aklat niya. Sabi niya
“paunti-unti po nilalabas ko, pero po di ko pa po naasikaso sa National bookstore”.
Sana ay magkaroon ng interes ang sino mang nasa lugar na sumuporta sa proyentong ito ng isang ordinaryong mamayan na may malasakit sa pagpapaunlad ng ating edukasyon.
- Latest