P-Noy winasak ang sarili ng ugaling mala-diktador
“HUMPTY Dumpty sat on a wall, Humpty Dumpty had a great fall, all the king’s soldiers and all the king’s men, could not put Humpty together again.”
Naalala mo pa ba ang English nursery rhyme? Anang mga pantas, tungkol ‘yon sa higanteng kanyon na, nang pasabugin ng mga rebelde, ay hindi na makumpuni ng mga sundalo at enhinyero ng Hari. Sabi naman ng iba, tungkol ‘yon sa itlog na, nang malaglag mula sa mesa, ay nabasag kaya hindi na maibalik sa shell ang naghalong pula at puti.
Ano man sa dalawang interpretasyon ang piliin, bagay kay President Noynoy Aquino ang taguring “Humpty Dumpty.” Winasak ni P-Noy ang sarili. Hindi na makumpuni ang basag na Panguluhan niya.
Sayang! Nagsimula pa naman na matino si P-Noy. Naglahad ng “Daang Matuwid,” nangakong makikinig sa mamamayan bilang “tunay na mga boss ko,” at nagdeklarang “wala nang wangwang (abusado).”
Pero kinalaunan napabarkada si P-Noy sa Liberal Party at, ika nga, nalulong sa bisyo. Bagamat isiniwalat na ang kabuktutan nina Rufino Biazon, Proceso Alcala at Joseph Emilio Abaya, pinanatili niya sila sa puwesto. Nagpaloko kay Florencio Abad na isagawa ang presidential pork barrel na Disbursement Acceleration Program. At nang ideklara ito na ilegal ng Korte Suprema, pinatatagpasan ni P-Noy sa Kongreso ng poder ang Korte at pinalalawig ang sariling termino. Basag ang pula!
* * *
Ika-46th anniversary ng Sigma Kappa Pi fraternity sa Sabado, Aug. 30. Magdaraos sa Intramuros, Manila, ng sports fest, national congress, at fellowship -- sa temang “Palawakin ang Kapatiran, Isulong ang mga Adhikain.” Inaanyayahan lahat ng EKIT na dumalo. Para sa detalyes: Danny Co, (0917) 3591957; Bing Villarta, (0915) 8716762, (0949) 7752011; Jojo Salas, (0915) 3257181, (0918) 9016551; Mike Mabutol, (0920) 9380118.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
- Latest