^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Litisin agad si Palparan

Pilipino Star Ngayon

KAPURI-PURI ang pagkakadakip kay retired Army general Jovito Palparan noong nakaraang linggo ng mga ahente ng National Bureau of Investigations (NBI) sa pakikipagtulungan ng Armed Forces of the Philippines. Nahuli si Palpa­ran sa isang apartment sa Sta. Mesa, Maynila. Mahaba ang buhok at balbas ni Palparan at hindi na nagawang makatakas o lumaban sa mga awtoridad. Iba ang kanyang itsura nang mahuli kumpara noong siya pa ang pinuno 7th Infantry Division ng Army sa Central Luzon at tinaguriang “berdugo” ng mga militante. Bago namuno sa Central Luzon, nadestino rin siya sa mga probinsiya ng Mindoro at Romblon kung saan maraming pinaghihinalaang NPA ang natagpuang patay. Inakusahan si Palparan ng kidnapping at illegal detention ng dalawang UP students noong 2006. Hanggang ngayon, hindi pa natatagpuan ang dalawang estudyante. Isang witness ang nagsabi na mga sundalo ang dumukot sa dalawang estudyante at kung anu-anong kahalayan ang ginawa sa mga ito habang nakagapos. Mariin namang itinanggi ni Palparan ang akusasyon.

Nakakulong na si Palparan sa Bulacan Provincial Jail. Bakas sa mukha ni Palparan ang pagkabahala nang ilipat sa Bulacan jail mula NBI. Ayon sa kanya may banta sa kanyang buhay at maaaring gawin iyon habang siya ay nasa jail. May mga NPA umanong nakakulong sa jail. Hindi naman napigilan ng mga kaanak ng biktimang pinatay ang galit kay Palparan at sumugod sila sa pagkukulungan ng general. May humampas ng placards kay Palparan habang dinadala ito ng NBI sa jail.

Hindi kami naniniwalang takot si Palparan kahit may mga banta sa kanyang buhay sa loob ng jail. Matapang siya at sanay na sa ganito. Maraming beses na siyang tinamaan ng bala at nakaligtas. Sumumpa pa umano siya na hindi siya titigil sa pakikipaglaban. Paano matatakot ang taong ito? Baka nga magawa pa niyang makatakas at hindi na muling makita pa.

Ang pinakamabuting magagawa ay madaliin ang paglilitis para malaman ang katotohanan sa lahat nang iaakusa. Huwag nang pagtagalin ang paghihintay ng mga kaanak ng pinatay at mga nawala.

 

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BULACAN PROVINCIAL JAIL

CENTRAL LUZON

INFANTRY DIVISION

JOVITO PALPARAN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATIONS

PALPARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with