^

PSN Opinyon

Walang siraan David Celestra Tan

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SI David Celestra Tan ay “eksperto” raw sa industriya ng enerhiya. Nakapaloob ito sa isinulat niyang komentaryo sa isang pahayagan na tungkol sa “3-legged tower” tungo sa mura at eco-friendly power.  Aniya, mahalaga ito sa “wholistic” at “sustainable” program para tugunan ang problema sa enerhiya ng bansa.

Ngunit may halong “demolition job” laban sa ilang industry player ang birada niya para mapaboran ang ilang grupong malapit sa kanya.  Inakusahan ni Tan ang Manila Electric Co. (Meralco) na perwisyo sa mga electricity consumers sa Luzon. Aniya, pinapaboran daw ng MERALCO ang  pagsusubasta ng power requirements nito para sa sariling power projects sa pamamagitan ng subsidiary nitong Meralco PowerGen kasama ang mga partners nitong generation companies (Gencos). Wala na raw “open” at “competitive” bidding para sa lahat ng Gencos na interesado mag supply ng kuryente.

Si Tan ay founding president ng Philippine Independent Power Producers Association (PIPPA) at co-convenor ng “Matuwid na Singil sa Kuryente Consumer Alliance Inc. (MSK)”.

Pero dismayado sa kanya ang ilang power industry leaders. Anila, siya umano at ang kumpanya niya ay sangkot sa kabi-kabilang mga kaso dito at sa ibang bansa:  Tangkang panloloko sa creditors; panggigipit sa mga empleyado at; palpak na mga kasunduan sa kanilang local business partners na Mid-Islands Power Corp. at Oriental Mindoro Electric Cooperative Inc. o ORMECO.

Anang mga leader sa industriya, walang “moral high ground” si Tan para mag-akusa laban sa energy sector. May kaso umano si Tan sa Supreme Court Second Division na pinamumunuan ni Senior Justice Antonio Carpio patungkol sa Civil Case No. 70957-SJ na isinampa ng Mid-Islands Power laban sa Power One at kay Tan noong Sept. 11, 2006 dahil sa kanilang power supply accord. Dagdag pa rito ang Case Nos. 2005-042 RC at 2008-023 RC sa Energy Regulatory Commission o ERC hinggil naman sa kasunduan ng Power One sa ORMECO.

Patungkol sa mga kasong kinahaharap niya sa Amerika, batay sa mga dokumento ay nag-ugat ito sa mga kasong “fraudulent intent” laban kay Tan matapos manalo ang Philippine National Bank (PNB) noong September 1998 sa kaso laban kay Tan at sa Edison Hubbard Corp. sa San Francisco Superior Court hinggil sa humigit $6.999 milyon na pagkakautang kaugnay sa mga di nabayarang utang sa bangko.

ANIYA

CASE NOS

CIVIL CASE NO

EDISON HUBBARD CORP

ENERGY REGULATORY COMMISSION

GENCOS

POWER

POWER ONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with