^

PSN Opinyon

Hulidap sa Valenzuela

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MARAMI nang scam ang nangyayari sa internet kaya kwidaw. Huwag basta-basta bibili lalu na ng sasakyan on-line at baka iyan ay ikapahamak ninyo.

Ganito ang nangyari sa apo ng kumpare ko na si retired police captain Tony Cruz na si Antonio Avel Pamittan o “Chukoy”.  Nakabili siya noong isang taon ng motorsiklo sa internet. At nang nagsawa na siya at ibinenta uli sa internet din, nagkasaraduhan sila ng buyer at nagkita para i-turnover ang motorsiklo. May kasama si Chukoy na isang kaibigan.

Gabi ng Hulyo 29 ng taong ito, dakong 8:00 nang maganap ang transaksyon sa Dalandanan, Valenzuela City. Ang buyer ay isang “PO2 Ramos.” Walang anu-ano’y may dumating na dalawang lalaking nakasibilyan pero nagpakilalang pulis.

Nabigla si Chukoy nang sabihin ng mga dumating na lalaki na nakaw ang ibinebenta niyang motorsiklo. Pero iginigiit ni Chukoy na bago binili ang motor ay bineripika niya mismo sa LTO at malinis ang mga papel. Bata pa si Chukoy at bagamat matangkad ay payatot kaya puwedeng duru-duruin.

Puwersahan daw siyang hinawakan ng isang lalaki at pinagmumura ng P..ina na paulit-ulit.  Tapos, sapilitan silang hinatak na magkaibigan sa isang puting kotseng Toyota na may plakang “For Dropping.”  Sa loob ng kotse ay tuluy-tuloy ang mura sa magkaibigan at binabantaan pang papatayin. Iginigiit nila na carnap ang motor.

Habang patungo sa presinto, tinatanong si Chukoy kung mayroon ba ang pamilya niya ng isang milyong piso para makalaya sila at hindi patayin. Nang sabihin nilang wala, sinabi daw ng isa na “sige, isandaang libo na lang.”  Siyempre, kung ikaw ay paslit pa, hindi mo alam kung ano ang isasagot sa ganyang lantarang pana­nakot.

Pati wallet nilang magkaibigan ay binusisi at baka may nakatagong droga. Kinuha pa ang lisensya nila.  Nandun lang sila sa labas ng presinto sa kotse. Pinayagan silang tumawag sa kani-kanilang pamilya kaya ilang saglit pa ay dumating ang kanilang nanay at tiyo.

Inutusan ng nanay na si  Marie Antoinette ang tiyo nila na humanap ng perang ihahatag sa tatlong pulis na kinilalang sina PO2 Eduardo Ramos, PO2 Elmer Miguel at PO2 Gerry Maliba na pawang miyembro umano ng PNP na nakatalaga sa Intelligence Division ng Northern Police District. Itutuloy ko sa susunod na kolum ang magandang istoryang ito.

ANTONIO AVEL PAMITTAN

CHUKOY

EDUARDO RAMOS

ELMER MIGUEL

GERRY MALIBA

INTELLIGENCE DIVISION

MARIE ANTOINETTE

NORTHERN POLICE DISTRICT

TONY CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with