^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dagdagan ng pangil at venom si Lacson

Pilipino Star Ngayon

SIYAM na buwan na ang nakararaan mula nang wasakin ng Bagyong Yolanda ang Visayas Region pero hanggang ngayon, hindi pa rin nakakabangon ang mga taong nasalanta. Wala pang nakikitang pagbabago sa kanilang buhay. Mabagal ang pagsasaayos ng mga lugar na napinsala. Marami pa rin sa mga biktima ang walang sariling tahanan at nasa mga tent pa hanggang ngayon. Problema nila kapag tinamaan muli ng bagyo sapagkat papasukin sila ng tubig. Kapag matindi ang sikat ng araw, problema rin sapagkat para silang nasa oven. Ang iba ay hindi na nakapaghintay sa tulong ng pamahalaan at muling tinayo ang kanilang nawasak na tahanan. Katwiran nila, matagal bago makarating ang ayuda. Hanggang ngayon, may mga foreign donors pa rin na walang sawang nagpapadala ng tulong sa mga biktima. Mas mabilis pa ngang makarating ang donasyon ng ibang bansa kaysa pamahalaan.

Itinalaga ni President Noynoy Aquino si da-ting senador Panfilo Lacson bilang presidential assistant for rehabilitation and recovery. Pero sa kabila nang kasipagan at kahusayan ni Lacson para makarekober ang mga nasalanta, hindi pa rin ganap na magawa. Marami pang kulang sa kanyang mga nais gawin. Noon pa mang unang hirangin siya sa puwesto, umapela na si Lacson sa mamamayan na tulungan siya. Hindi  raw niya magagampanan nang mabilis ang tungkulin kung wala ang tulong ng mamamayan.

Nang magsalita si Lacson sa isang workshop kamakailan na may kaugnayan sa Climate Change, sinabi niyang limitado ang kanyang tungkulin para ma-monitor ang implementasyon ng P171 billion Yolanda related programs and projects.

Sabi ni Lacson, kailangan pa niya ng karagdagang kamandag at ngipin magampanan ang tungkulin sa mga nasalanta. Iisa lamang ang ibig sabihin nito, kulang ang pinagkaloob sa kanyang kapangyarihan ng pamahalaan. Hindi sapat. Kailangang dagdagan siya ng kamandag at ngipin para magampanan ang iniatang. Sa paraang ito lamang siya makagagalaw at mapagbubuhusan nang sapat na kakayahan ang tungkuling nakaatang.

BAGYONG YOLANDA

CLIMATE CHANGE

HANGGANG

IISA

LACSON

MARAMI

PANFILO LACSON

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

VISAYAS REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with