Ang Maynila… Noon at Ngayon
(Ikalawang bahagi ng State of the City Address ni Mayor Joseph “Erap” Estrada noong Hulyo 23, 2014.)
“Health care services in our hospitals were free of charge under the previous administration, but this policy for both residents and non-residents, regardless of income, drained and depleted the budget to the prejudice of Manila residents especially the poorest of the poor.
“Libre nga pero kulang naman ang gamot at mga supplies, at sira ang mga hospital equipment. Ang masaklap pa, kadalasan ang mga hindi lehitimong Manilenyo pa ang nakikinabang.
“Ang city hall ay pinabayaan… sira, marumi at nanga-ngamoy ang mga tanggapan. Lahat ng toilet ay nakapandidiri. Ang mga daga po ay kasing-laki ng mga pusa. Ma-ging ang opisina ng punong lungsod ay kahiya-hiya.
“The problems we needed to address were many and overwhelming… the six years of poor fiscal management, inefficient administration, neglect of duty, and graft and corruption made Manila. as the American author Dan Brown said, as the “gates of hell.”
“Tinanggap natin ang hamon. Malakas ang loob ko dahil alam ko na nasa likod ko kayo, kasama ang ating makisig na pangalawang punong-lungsod Francisco “Isko Moreno” Domagoso, magagaling na konsehal, mga matatapat na mga opisyal at kawani ng pamahalaang lungsod at masisipag na punong-barangay.
“Nagsimula po tayo sa mga programang hindi masyadong nangangailangan ng pera. Nagwalis po tayo at naglinis ng kapaligiran, nanguna po ang Office of the Mayor, Office of the Vice Mayor, Department of Public Services at ang Pasig River Rehabilitation Commission ni Gina Lopez sa city-wide clean-up. Sumali rin po tayo sa mga Manila bay clean-up activities, inayos po natin ang mga imburnal at naglinis din ng mga estero.
Palakpakan po natin ang lahat ng nakikiisa sa paglilinis ng ating lungsod, lalo na si Binibining Gina Lopez…”
(Itutuloy)
- Latest