^

PSN Opinyon

‘Pagdurusang tahimik’ (Pangmo-molestya at panduduro sa paaralan)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARAMING mga estudyante sa mga kolehiyo at unibersidad ang nagdurusang tahimik habang nasa loob ng kanilang paaralan.

Sila ang mga indibidwal na “katuwaang” sinasaktan pisikal man o emosyunal, ipinahihiya o pinagtatawanan sa harapan ng maraming tao, ka-klase at mga kaibigan o ‘di naman kaya nakakaranas ng literal na pambabastos o ‘sexual harassment’ mula sa mga kinauukulan.

Ang sabjek, mismong mga propesor, dekano o mga kawani ng paaralan na ginagamit ang kanilang kapangyarihan para manamantala at paglaruan ang kahinaan ng isang mag-aaral.

 Sa halip na tumayong mga pangalawang magulang, sila pa ang nagsisilbing hadlang sa pangarap ng mga mag-aaral.

Subalit, dahil sa kagustuhang makapagtapos at mag­karoon ng magandang kinabukasan, ang pobreng estudyante, pinapalampas nalang ang ganitong uring mga insidente.

 Hindi na ito bago sa BITAG. Marami ng mga reklamo at sumbong hinggil sa mga panduduro at pangmo-molestiya ang aming tinuldukan. Napatalsik o inalis na ang mga ini-expose naming bully at bastos na mga kawani ng paaralan.

 Ilan sa mga naidokumento ng BITAG nitong mga nakaraang taon na talagang tumatak sa publiko ang babaeng “Bully Professor” na noon ay nagtuturo sa Polytechnic University of the Philippines (PUP).

 Ganundin ang isang dean noon ng St. Jude College na ginamit ang kaniyang titulo at kapangyarihan para manakot at manira. Ito ang “Kwatro o Kwarto.”

 Ang mismong palabas na ito ng BITAG ang naging case study na tinutukan ni Buhay Party List Representative Irwin Tieng kaya ipinanukala niya ang Cyberboso Bill na ngayon ay isa nang ganap na batas.

Midterms period na ngayon sa mga kolehiyo at unibersidad. Marami na namang mga mag-aalok ng imoral na “Kwatro o Kwarto” at mga panduduro at “katuwaang” pagpapahirap ng nagsisiga-sigaan at nagtatapang-tapangang mga propesor.

 Sa mga mag-aaral na biktima ng panduduro at pangmo-molestiya sa kani-kanilang mga paaralan, laging bukas ang tanggapan ngBITAG sa ganitong usapin. Magsumbong at magtungo lamang sa BITAG Headquarters o mag log-on sa bitagtheoriginal.com at i-click ang “REPORT ONLINE.”

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

BUHAY PARTY LIST REPRESENTATIVE IRWIN TIENG

BULLY PROFESSOR

CYBERBOSO BILL

KWARTO

KWATRO

MARAMI

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with