^

PSN Opinyon

Sino nga ba talaga?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAPAKAGANDA naman ng timing nito. Nang matukoy na ng PNP kung sino ang nanutok ng baril sa taxi driver sa EDSA na nakunan pa ng video, ngayon naman lumabas ang dalawang abogado ng isang Bill Emerson Tan na ayon sa kanila ay siya ang nanutok ng baril at hindi ang tinutukoy ng PNP na si Karlvin Ang. Ilang araw din ang lumipas bago nila natukoy si Karlvin Ang, pero napag-alaman kaagad kung kanino nakarehistro ang Mercedes na SUV. Binigyan ng lahat ng pagkakataon ng PNP na makipag-ugnayan ang Primex Corporation, pero walang nangyari. Ngayong sinampahan na ng mga kasong grave threat, malicious mischief at physical injuries si Karlvin Ang, may umaako namang iba? Sino nga ba talaga?

Ayon pa sa mga abogado, laruan lang daw ang baril na inilabas ng suspek, kung sino man iyon. Dito ako napapai-ling. Ang gusto ba nilang sabihin ay “armado” araw-araw ng laruang baril ang kung sinoman iyan, at handang ilabas kapag nalagay sa peligro ang buhay? Anong klaseng kalokohan iyan? Anong klaseng pag-iisip iyan? Eh kung nakatapat pala ng may tunay na baril, magmamakaawa at sasabihing laruan lang ang kanyang dala? Biro lang? Pasensya na at nagmamatapang lang ako?

Mahirap din paniwalaan na ang laruan na baril ay may sariling holster at nakalagay sa isang bag. At kung laruan man, absuwelto na ba kung sinuman iyan sa ginawang panunutok? Kung gumamit ng laruan na baril ang isang magnanakaw, hindi na krimen iyon? Absuwelto na ang lahat? Wala nang kasong maisasampa? Ewan ko, pero parang napaka-tanga naman ng sambayanang Pilipino kung bibilhin ang mga pahayag na ito.

Hindi rin nakakatulong kay Karlvin Ang na walang nakarehistrong baril sa kanyang pangalan. Kaya siguro naging laruan na lang. Dito magiging mahalaga muli ang video, katulad sa kaso ni Vhong Navarro. Ang CCTV na nakunan sa condo ang nagpatibay sa mga pahayag ni Navarro, at giniba ang pagkabayani ni Cedric Lee at pagkakawawa ni Deniece Cornejo. Kailangan makita sa video ang mukha ng nanutok ng baril. Sigurado naman ang drayber ng taxi kung sino ang kanyang nakita, pero baka hindi sapat iyon para tanggapin, lalo na’t dala-dalawa pa ang abogadong humarap sa pulis. Dapat malaman kaagad kung sino ang tunay na nanutok, at kasuhan. Kung may pananagutan din ang taxi drayber, kasuhan din. Ang pinagkaiba lang nilang dalawa ay agad humarap ang taxi driver sa mga otoridad, habang tila naghanda na muna ang kabilang kampo kung ano ang kanilang sasabihin.

ANONG

BARIL

BILL EMERSON TAN

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

DITO

KARLVIN ANG

KUNG

PRIMEX CORPORATION

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with