^

PSN Opinyon

Mahihirap

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MATIGAS ang paninindigan ng Aquino administration na bumaba ang bilang ng mga mahihirap sa kasalukuyan, paano nga kasi hindi nila nakikita ang paghihirap ng mga kababayan natin diyan sa Baseco  Compound sa Port Area, Ermita, Parola, Isla Puting Bato, Happy Land, Temporary Housing at Sitio Damayan sa Tondo, Manila na karamihan ay lumalaban sa kahirapan dahil sila ay tinataguriang “isang kahig, isang tuka”, hehehe! Palawakin pa natin ang kaalaman ng mga magagaling sa Gabinete ni Pres. Noynoy Aquino sa mga lugar na naghihirap sa buhay. Sa shore line ng Navotas patungong Obando, Bulacan nariyan ang mga taong uling kung tawagin. Nabubuhay sila sa pangangalakal sa basurahan at paninisid ng mga bakal-bakal sa dagat. Hindi sila napapansin ng  mga magagaling na alipores ni P-Noy dahil takot naman silang lumusong sa mapuputik na lugar. Sa may kahabaan ng ilog sa Parañaque City particular sa San Dionisio, La Huerta at Sto Niño makikita ang squatters na naghihintay ng tulong sa pamahalaan.

Hindi ito maitatago sa mga banyaga dahil kitang-kita habang papalapag ang mga eroplano sa NAIA. Ngunit sa Press Release ng Malacañang malaking bilang na ang naibaba sa kahirapan dahil sa Disbursement Accelaration Program (DAP) ni P-Noy, hinadlangan nga lang daw ng  Supreme Court. Paano nga kasi hindi pa malinaw kung paano nawaldas este naipamahagi sa mga proyekto ang bilyong pondo ng DAP kaya umaalma ang mga mahistrado lalo na ang mga mahihirap nating kababayan. Kaya tuloy ang mga mahihirap ay naglulumuwa ang mga mata sa kaaantay na maanggihan ng tulong mula sa DAP. At habang nangangalap ng tulong tumirik naman ang mga mata sa labis na gutom. Ang masakit pa nito lahat nang ospital sa bansa ay nangangailangan ng bayad sa pasilidad at gamot na hindi maabot ng mga kababayan nating mahihirap.

Ngunit sa mga alipores ni P-Noy setting pretty na sila sa kanilang buhay dahil malalaki ang kanilang naki-kick back sa mga proyekto este suweldo, hehehe!  Ngunit malaki ang paniniwala at dalangin ng mga kababayan nating mahihirap na darating ang araw ay maiaahon din sila sa buhay. Ito’y kung sisimulan ni P-Noy ang pagpa-lifestyle check sa kanyang mga alipores ng sa gayon ang sobrang yaman na hindi maipaliwanag ay maibabalik sa kaban ng bayan na maipamudmod sa proyektong pangmaralita. Tingnan natin kung magagawa ito ni P-Noy sa hinaharap. Samantala mga suki, isang reklamo ang aking natanggap mula sa pang-aabuso ng isang nagngangalang Fred Ferrer ng Eucalyptus St., Western Bicutan, Taguig City. Perwisyo umano ang itinayong basketball court nito sa kalye dahil nakabubulahaw sa mga residente at maging ang mga kabataan ay natatamaan ng bola sa tuwing maglalaro ang mga mukhang adik. Chairman Nicky Supan, paki aksyunan nga po ito. Abangan!

CHAIRMAN NICKY SUPAN

DISBURSEMENT ACCELARATION PROGRAM

EUCALYPTUS ST.

FRED FERRER

HAPPY LAND

ISLA PUTING BATO

NGUNIT

P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with