Kaskaswerte
SA latest survey ng SWS , nasa 12.1 milyong pamilyang Pilipino ang naniniwalang sila ay naghihirap. Kung ang bawat pamilya ay may limang miyembro, malaking bilang iyan. Aabot sa 60.5-M Pilipino ang dumaranas ng kahirapan! Lampas iyan sa kalahati ng 100 milyong populasyon ng ating bansa.
Hindi ako nagtataka kung bakit dumarami ang mga taong ang dibersyon ay pagtaya sa mga bookies ng karera, jueteng, loteng at iba pang illegal games. Kaya naman isa ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga ahensyang nagtataguyod ng mga alternatibong palaro para masugpo ang mga illegal number games na ito.
Naniniwala ako na nasa tiwala sa Diyos lakip ang pagsisikap at kasipagan ang sikreto ng pag-unlad ng buhay. Pero sa mga mainipin, sila’y nagbabakasakaling suwertehin sa mga number games.
Sabi ng barbero kong si Mang Gustin, kung hindi maawat, doon na sila sa legal na itinataguyod ng PCSO. Makatutulong pa raw ang kanilang naitaya porke nagagamit sa pagtulong sa mga taong nangangailangan.
Namangha ako sa nabalitaan kong kapalaran ng anak ng isa kong kakilala na nagwagi, kasama ang pitong kaibigan ng malaking halaga sa “Scratchit Kaskaswerte” ng PCSO. Pito silang nag-ambagan ng tig-isandaan piso na ipinambili ng game cards. Sila mismo ang kumaskas sa nabiling cards.
Sa nalikom na P800, nakabili sila ng 28 sari-saring game cards na nagkakahalaga ng P20 at P50. Laking tuwa nila porke umabot sa halagang P150,000 ang napanalunan. Kung hahatiin sa pito, sa P100 na puhunan ay kumita ang bawat isa ng P 21-K mahigit.
Sapul nang magsimula ang Scratchit noong 2007, libu-libo na umanong Pinoy ang pinalad na manalo ng P100-K P200-K at P500-K bukod pa sa kaakibat na premyo sa bawat game card, anang PCSO. Anang kaibigan ko, kakaibang level of excitement ang nadama ng kanyang anak at kaibigan sa “Scratchit” ng PCSO. Puwede pa raw madoble ang pemyo dahil sa bawat card ay may kalakip na “bonus area.”
Madali pa raw makuha ang premyo kung sa certified lotto outlet ito tutubusin.
- Latest