^

PSN Opinyon

P-Noy, wag balat-sibuyas

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAGANDA na sana ang State of the Nation Address (SONA) ni P-Noy­.  Madamdamin at mula sa puso.  Pero isang bagay ang kapansin-pansin: Malinaw niyang ipinahiwatig na ang lahat ng bumabatikos sa kanya ay kalaban ng bawat Pilipinong naghahangad ng reporma.

Totoong may mga tuligsang bunga lamang ng pamumulitika pero mayroon ding mga puna na ang layunin ay makatulong sa repormang dapat maisulong.

Naniniwala akong nagsalita mula sa kanyang puso ang Pangulo. Siguro kung ako ang nasa katayuan ng Pangulo ay hindi lamang ako mabubulunan at mababasagan ng tinig kundi tuluyang mapapahagulgol.

Kasi’y buo ang paniniwala ko na mabuti ang ginagawa ko sa bansa pero sa kabila nito’y inuulan ako ng batikos at pag-alipusta.

Pero ang sino mang leader ay hindi dapat maging “balat-sibuyas” kundi dapat magsuri. Huwag ituring na ang lahat ng tuligsa ay pawang paninira. Kung sinsero si P-Noy na ang taumbayan ay “boss” niya, makikinig siya sa mga puna. Huwag bulagin ang sarili sa paniniwalang karamihan sa mga Pilipino ay nasa panig niya.

Bawat Pilipino ay may karapatan at layang pumuna kung may nakikitang mali sa pamamalakad sa gobyerno.  Iklasipika lang ng isang leader ang mga balidong puna sa mga paninirang pulitikal. Madali namang malaman ito basta huwag magbulagbulagan sa katotohanan. Ipinagmamalaki ng administrasyon ang malaking progreso sa ekonomiya.

Pero ayon sa latest survey ng SWS, nasa  12.1 milyong pa­milyang Pilipino ang  naniniwalang sila ay naghihirap.  Limampu’t limang por­syento ng kanilang tinanong na pamilya ay  nagsabing sila ay mahirap.

Ito ay mataas  ng 2 percent sa  53 percent ng may 11.5 milyong pamilyang Pilipinong naghihirap  noong unang quarter ng 2014.

Kaso, kapag maganda ang resulta ng survey ay masayang-masaya ang administrasyon at agad naniniwala. Pero kapag negatibo, ito’y sasabihing kagagawan ng mga mapanirang elemento­ sa daigdig ng pulitika.

BAWAT PILIPINO

HUWAG

P-NOY

PANGULO

PERO

PILIPINO

PILIPINONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with