^

PSN Opinyon

Hintayin na lang natin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TATLONG  kongresista ang nag-endorso na ng impeachment complaint laban kay President Noynoy Aquino, dahil sa kanyang pagpapatupad ng Development Acceleration Program (DAP) na idineklarang labag sa Saligang Batas ng Korte Suprema. Sa madaling salita, nakahanap ang mga kritiko ni P-Noy ng paraan para tanggalin na siya sa Palasyo. Ito naman ay kung matatanggal nga siya. 

Maraming kaalyado si P-Noy sa Kongreso. At kahit ano pa ang sabihin ninuman, nasa bilangan ang laban. Kaya marami ang nagsasabi na sayang lang ang oras na dulot ng mga impeachment na iyan dahil hindi naman papasa sa Kongreso. Kinumpara pa nga ng isang nagsulong ng impeachment ang panahon noong si Gloria Arroyo ang dumaan sa tatlong impeachment, na wala ring nangyari. Ganun naman pala e!

At sino itong mga nagsampa ng impeachment kundi ang mga karaniwang kritiko ng kahit sinong nakaupo sa Palasyo. Sila ang mga kilalang kokontra sa lahat ng administrasyong nakaupo, maliban na lang kung sila na ang nakaupo, kung mangyari man iyon. Ang isa pa nga ay nakatanggap din ng pondo mula sa DAP, pero nagpahayag na ginastos sa maayos at tamang pamamaraan ang pera. Sila lang ba ang may kakayanang gumawa nang tama sa bansa, at lahat ay magnanakaw na?

Nanatili ang katayuan ng Palasyo na mabuti ang kanilang intensyon nang patuparin ang DAP, na sa kanilang tingin ay hindi labag sa batas. Sa totoo nga, para sa marami, sapat na ang paliwanag na iyon, dahil malayo naman itong admi-nistrasyon sa mga nakaraan. Mas mahalaga para sa marami na ipakita kung saan napunta ang DAP. Ipakita kung may magandang dinulot ang pera. Marami rin ang hindi sang-ayon sa impeachment, kasama na ang CBCP, dahil wala naman daw mangyayari dito at mas maraming problema pa nga ang bansa. Sa kuryente, mga bagyong parating, krimen at iba pa. May nagtatanong nga na kung ma-impeach si P-Noy, mas gaganda ba ang sitwasyon ng bansa?

Pero nandyan na iyan, nakapagpalitrato na ang mga nagsulong ng impeachment, kaya hintayin na lang natin kung ano ang mangyayari. Hindi naman nababahala ang Palasyo, at iniiwan na lang sa Kongreso ang desisyon.

 

DEVELOPMENT ACCELERATION PROGRAM

GLORIA ARROYO

IMPEACHMENT

KONGRESO

KORTE SUPREMA

KUNG

P-NOY

PALASYO

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with