^

PSN Opinyon

Kuwento ng dakilang doktor

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG isa ko pang napakabait at napakagaling na guro ay si Dr. Romeo P. Ariniego. Kakaiba ang kuwento ng buhay niya.

Mahirap lang ang magulang ni Romy. Noong bata pa siya ay nakita niyang may dumalaw na doktor sa kanilang bahay. Namangha siya sa kakaibang tuwa at kislap sa mata ng kanyang mga magulang noong kinakausap ang doktor. “Gusto ko rin maging doktor,” pangako ni Romy sa sarili niya.

Ngunit hindi siya kayang pag-aralin ng medisina ng kanyang mga magulang. Dahil dito, sa murang isip ay nagtrabaho siya bilang isang houseboy. Tagagawa ng kape, tagalinis ng bahay at taga-drive.

Pagkaraan ng ilang taon, naikuwento niya sa kanyang dayuhang amo ang kanyang pangarap sa buhay. Houseboy magiging doktor? Ngunit imbes na tawanan siya ay pumayag magbigay ng suporta ang kanyang amo.

Dahil dito, naka-enroll sa kolehiyo si Romy. At para makadagdag sa kanyang budget ay nag-working student pa siya. Nagtrabaho siya bilang janitor sa eskuwelahan. Dati tagalinis ng bahay, ngayon tagalinis ng school. Ganoon talaga ang tadhana.

Dahil si Romy ay masipag at matalino, natapos niya ang kanyang pre-medicine course at nakapasok siya sa tanyag na UP College of Medicine. At naging espesyalista pa siya sa puso.

Dahil sa pawis at talino na ibinuhos, hinirang si Dr. Ari-niego bilang Dean ng De La Salle University College of Medicine noong 1996. Walang estudyante o guro sa buong DSLU ang hindi nakakikilala sa kanya. Isa na siyang institusyon.

Pero hindi lang iyan ang naging tagumpay ni Dr. Arinie­go. Alam n’yo ba na sa loob ng halos 20 taon ay ginawa niyang parang boarding house ang kanyang bahay sa Cavite? Lampas sa 20 scholars na ang sinuportahan ni Dr. Ariniego.

Paanong suporta? Libre pabahay (sa bahay niya), libre pagkain, minsan libre tuition at baon pa! Grabe talaga. Sabi ni Dr. Ariniego, “Naaalala ko ang aking sarili noong ako’y houseboy pa.”

Noong 2007, may isang scholar na nakatira kay Dr. Ariniego ang naging Number 1 sa Medical Board Exam! Nailathala ang kuwentong ito sa mga pahayagan.

Noong 2011, nagbigay si Dr. Ariniego ng P10 milyon para sa library sa De La Salle Health Science Institute. At ipinangako na niya ang kanyang ari-arian para sa kapakanan ng De La Salle students balang araw.

Sa ngalan ng libu-libong estudyante na natulungan ni Dr. Romeo P. Ariniego, maraming salamat, Sir.

 

ARINIEGO

COLLEGE OF MEDICINE

DAHIL

DR. ARINIEGO

DR. ROMEO P

KANYANG

NOONG

ROMY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with