^

PSN Opinyon

NBI pasok sa bawang syndicate

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

BINUBUSISI ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang ilang ‘bawang dealer’ sa Divisoria at iba pang mga lugar dahil may palagay sila ito raw ang maaring may mga  pakana ng sobrang pagtaas ng presyo ng wangbu este mali bawang pala sa Philippines my Philippines.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last month nagtataka sila kung bakit biglang tumaas ang presyo ng mga bawang sa merkado at sa ngayon ay dehins lang bawang ang mga tumaas kundi halos lahat na ng bilihin sa merkado.

Bakit kaya?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ginawang pangangalkal ng NBI sa tahimik na imbestigasyon tiyak may lulutang dito.

Sabi nga, kailangan may managot!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat himayin ang ilang Chinese traders from Binondo at Divisoria na diumano’y nagsamantala para magmahal ang imported at local na mga bawang

Korek ka dyan, Inday!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi sila naniniwala na walang nagsabwatan para manipulahin ang presyo ng imported at local na bawang sa merkado.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi mga retailer ang nagpataas ng presyo ng imported at local na bawang sa Philippines my Philippines kundi ang mga trader ang kumana nito.

‘Dahil sinasabing sila ang mga ganid?’ sabi ng kuwagong manghihigop.

‘Magkano lang ang bawang kung tutuusin sa mga bentahan noon mga nakaraan bago magkaroon ng ipitan sa BPI import permit?

Sabi nga, P35 to P65 per kilo ang pasahan nito pero sa ginawang manipulasyon ng mga Kamote hindi biro ang naging resulta nang tindi ng presyo na itinaas nila.

Bakit?

Sagot – sinindikato!

Tumpak ka dyan, Kamote.

Kamakailan hilong-talilong ang mga resto owner at mga ermat dahil  P260 to P300 per kilo ang naging presyo ng bawang.

Sabi nga, tumaas ang alta-presyon nila.

Ika nga, high blood!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan makalikot ang mga bawang traders baka may kinalaman sila sa pagtaas ng presyo ng imported at local na bawang?

Naku ha!

Dapat lang?

Sa pangyayaring taas presyo ng bawang sinibak ni DA Secretary Procy Alcala si BPI director Lito Barron.

‘Dapat sisirin ng todo ng NBI ang mga nagsabwatan sa BPI at mga sindikato ng bawang para managot hindi sa madlang people kundi sa gobierno ni P. Noy.’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame

Abangan.

* * * * *

Nakawan ng krudo laganap sa Region 3

MUKHANG pakaang-kaang ang pamunuan ng kapulisan dyan sa Region 3 dahil parang hindi nila namamalayan ang sindikato ng ‘paihi’ na laganap ngayon sa Bataan at Pampanga.

Bakit kaya?

May kalakaran din ba tungkol sa ‘paihi’?

Hindi biro ang operasyon ng mga kamote sa paihi grabe as in grabe kaya kumikita ng million of pesos ang mga nagsabwatan dito.  Siempre may mga kasabwat din mga bugok na lespu ang mga animal.

‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago.’

Abangan.

 

ABANGAN

AYON

BAKIT

BAWANG

CHIEF KUWAGO

DAPAT

PRESYO

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with