^

PSN Opinyon

Iniiwasan na ng lahat

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TINIYAK ng mga airline sa bansa na wala sa mga eroplano nila ang lumilipad sa may Ukraine. Marami kasi ang nangangamba na baka lumilipad ang mga eroplano ng ating airlines sa rutang dinaanan ng Malaysian Airlines MH 17, na pinabagsak ng mga rebelde, o ng Russia. Matatakot nga naman ang pasahero sumakay ng eroplano na alam nilang lumilipad sa may Ukraine, at tila hindi namimili ang mga rebelde kung sino ang pababagsakin nilang eroplano, o mahina lang talaga ang mga ulo at hindi masabi kung ano ang militar na eroplano sa sibilyan. Maliban na lang kung sinadya itong pinabagsak, tulad ng ginawa ng Russia sa Korean Airlines 007 noong 1983.

Matindi ang tama ng dalawang insidente – ang pagkawala ng flight MH 370 na sa ngayon ay hindi pa rin mahanap, at ang pagbagsak ng MH 17 – sa Malaysian Airlines. Hindi ako magtataka kung nabawasan nang malaki ang pagsakay sa kanilang mga eroplano ngayon. Bagama’t hindi naman nila kasalanan, matatakot pa rin. Tinanggal na ng Malaysian Airlines ang flight number MH 17 sa kanilang listahan. Baka isiping malas at walang sumakay.

May mga nagtataka naman kung bakit lumipad ang MH 17 sa may Ukraine, kung alam na may labanan doon. At sa mga nakaraang araw, dalawang eroplano ang pinabagsak na ng mga rebelde. Kaya talagang binabantayan ang kanilang himpapawid. Hindi raw sila dapat pinayagan lumipad doon. Ang bawat eroplano ay nagbibigay ng kanilang flight plan sa kompanya at otoridad. Kaya dapat pinuna na lilipad pala sila sa may Ukraine.

Wala na ngang lumilipad na sibilyan na eroplano ngayon doon. Umiikot na lang lahat kahit malayo, huwag lang mapagkamalang militar na eroplano at pabagsakin. At habang umiiwas na ang lahat ng eroplano sa lugar, hindi pa rin magawa ng mga imbestigador ang kanilang trabaho at hawak pa rin ng mga rebelde ang lahat, maging ang lugar, mga bangkay, mga black boxes. Napakasama na nga ng kanilang imahe sa buong mundo, ganyan pa rin ang kanilang ginagawa. Alam na may tinatago talaga.

ALAM

BAGAMA

EROPLANO

KANILANG

KAYA

KOREAN AIRLINES

KUNG

MALAYSIAN AIRLINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with